Biyernes, Oktubre 25, 2013

MAKE-UP AT HAIRSPRAY, SANHI NG MAAGANG PAGTATAPOS NG REGLA

MADALING mag-menopause ang babaeng mahilig mag-make-up at mag-hairspray, ayon sa pagsasaliksik.
Naniniwala ang babae na kapag nag-aayos siya ay magiging magandang-maganda siya sa paningin ng kanyang minamahal. Tiyak din na siya ay pangingilagan ng ibang babae dahil mas lumulutang ang kanyang ganda kapag siya ay nag-aayos. Ang pagmi-make up at paggamit ng hairspray ay ilan lamang sa paraan ng babae upang mas maging maganda siya.
Ikaw ba ay gumagamit ng make-up? Naghi-hairspray ka ba upang hindi magulo ang iyong buhok?
Kung sasabihin mong ‘oo’ tiyak nga na magiging maganda ka sa paningin ng marami. Ngunit,  bilang babae, kailangan mo ring malaman na may masama ring dulot ang sobrang paglalagay ng make-up at hairspray. Sabi nga sa pagsasaliksik ay maaaring mapaaga ng dalawang taon ang pagtatapos ng iyong regal dahil sa labis na pagmi-make-up at paggamit ng hairspray.
Sa mga make-up at hairspray kasi ay nakatagpo ng sobrang kemikal na makapagdudulot ng maagang paghinto ng regla. At kung sobra kang gumamit ng make-up at hairspray, maaaring mapaaga ng 15 years an gang pagtatapos ng iyong regal.
Maaari ngang sa may advantage iyon sa’yo dahil hindi mo na kakailangan pang gumamit ng napkin buwan-buwan ngunit, kailangan mo rin namang isipin na may hindi magandang epekto iyon sa’yo. Sa paghinto kasi ng iyong regal ay hindi ka na maaari pang magkaanak. O, nais mo ba iyon. Tiyak kong hindi dahil bawat babae, lalo na ang may-asawa ay nanaisin na magkaroon ng anak. Kung minsan kasi ay napakalaking kakulangan sa isang babae iyong hindi nabiyayaan ng sanggol.
Kaya, kung ikaw ay may balak na mag-asawa, mas makabubuting maghinay-hinay ka sa paggamit ng hairspray at paglalagay ng make-up. Sabi nga ng American researchers, makakaapekto iro sa reproductive system ng isang babae. Dahil doon ay hihinto ng mas maaga ang kanyang regal.
Nais mo ba itong mangyari ito sa’yo? Huwag naman sana kaya pirmi kang mag-iingat. Tandaan, lahat ng labis ay makasasama. Huwag mo naman sanang hayaang mangyari iyon dahil sa huli ay ikaw din ang magiging kawawa.








Sabado, Oktubre 19, 2013

Warning sa mahilig magPAGANDA… Make-up, nakakatanda!

SABI sa  isang make-up artist, ang paggamit ng make-up ay nakatatanda!

Ang pimples, eyebags, blackheads at maging ang mga gatla ay natatakpan dahil sa make-up kaya naman kapag may okasyon tayong pupuntahan ay sisiguraduhin ng mga babae na hindi niya maiiwanan ang kanyang make-up. Pakiramdam kasi nila ay magiging magandang-maganda sila kapag gumamit sila ng make-up.
O, hindi nga ba, maski na ang magagandang babae ay gumagamit din ng make-up? Ang dahilan ay ibig nilang mas lalong lumutang ang kanilang ganda. Ang eyebrow at mascara  ay ginagamit para mas lalong kuminang ang  mata, ang lipstick ay para mas maging mapula at kaakit-akit ang labi at ang foundation naman ay para mas kuminis ang balat at maitago ang blackheads, pimples at freckles.
O, ganoon ka ba?
Nakasisiguro ako na oo ang iyong isasagot dahil nais mong maging maganda sa paningin ng mahal mo sa buhay at pati na rin sa ibang tao. Ibig mo rin siyempreng ma-satisfy mo ang iyong sarili sa pagharap sa salamin.
Ngunit, sabi nga, lahat ng bagay ay may advantage at disadvantage at ang disadvantage sa paggamit ng make-up ay nakakatanda ito. Maaari ngang sa paglagay mo ng make up ay maging maganda ka sa paningin ng ibang tao. Ngunit, kapag inalis mo na ang make-up na iyon at bumilang na ang ilang panahon ay saka mo mapagtatanto kung ano an gang magiging masamang dulot sa’yo ng paglalagay ng make-up.
Sabi nga ng make-up artist na si Kim Jacob, ang paggamit ng make-up ay nakakatanda kaya para hindi ka tumanda ng husto, kailangang manipis na make-up lamang ang ipahid mo sa’yong mukha. Sa pamamagitan noon ay lulutang pa rin ang iyong natatanging kagandahan at tiyak na hindi ka matutulad sa ibang babae na dahil sa paggamit ng make-up ay nagmukhang mas matanda kaysa sa tunay nilang edad.
Kung hindi ka naman modelo o artista, hindi mo naman siguro kakailaning gumamit ng makapal na make-up. Alalahanin mo, kapag makapal ang make-up mo, siguradong masisira ang iyong kutis. Gugustuhin mo bang mangyari iyon? Sana naman ay hindi.

Sabi nga, mas lumulutang ang ganda ng isang babae kung siya ay simple lang o kaya walang make-up. Kaya para makaiwas ka sa pagkasira ng iyong kutis, mas maigi pa siguro kung huwag ka ng mag-make up kundi mo kailangan. 

Read ninyo ito Mommy at Daddy… Mga batang nababagok, may tendensiya na maging kriminal

MGA batang nabagok ang ulo ay may posibilidad na maging kriminal sa kanilang pagtanda, sabi sa pag-aaral.
Kidnapping, Robbery , homicide at Murder – ito ang kalimitang krimen na nangyayari nsa ating kapaligiran. Kaya naman kung minsan ay nakakatakot nang lumabas ng bahay o kaya ay mamasyal ng gabi. May pangamba na kasing namamahay sa ating dibdib. Baka kasi sa paglabas mong iyon ay makasalubong mo si Kamatayan. Maamo man ang mukha ng taong masasalubong mo ay hindi ka pa rin nakatitiyak kung mabuti siyang tao. Malaki rin kasi ang posibilidad na may hawak siyang baril o patalim at bigla na lang niyang maisipang undayan ka ng saksak.
Siguro naman ay madalas kang magbasa ng diyaro, makinig ng radio at manood ng telebisyon. Sa pamamagitan noon ay malalaman mo na marami talagang krimen na nangyayari sa ating bansa at kung minsan ay may mga kabataan pa ang sangkot sa paggawa ng krimen.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, ito ang wika ni Dr. Jose Rizal. Sa palagay ko naman ay may katotohanan ang kanyang ipinahayag. Tingnan mo nga, maraming ng gadgets ang naimbento at kung anu-ano pang kagamitan na talagang kapaki-pakinabang. Ngunit, may mga kabataan pa ring pasaway at pasimuno ng krimen.
Kung minsan nga ay hindi mo rin maiwasan ang magtaka. Siya naman ay mula sa mabuting pamilya subalit tila nawawala sa kanyang isipan ang mga kabutihang naituro sa kanya at pinili na lamang gumawa ng masama.
Sa tingin mo ba ay pasaway ang iyong anak? Kung wala ka pang anak, nanaisin mo bang maligaw siya sa landas? Tiyak kong hindi hindi kaya kailangan mong gawin ang lahat ng paraan upang hindi siya mapariwara. Nakagigilalas lamang na malaman na maaari rin palang maging kriminal ang isang bata sa kanyang paglaki kapag nabagok ang kanyang ulo.
Ang pinsalang natamo ng taong nabagok ay maaaring maging dahilan upang mawalan ka ng pasensiya o kaya naman ay maging pabigla-bigla ka sa’yong ginagawa. Kapag nadala mo ang maling attitude na ito sa’yong paglaki, tiyak na ikaw ang taong madaling mapikon. Kung minsan nga ay hindi mo na magagawa pang makapag-isip ng tama. Ang gugustuhin mo lamang ay makapanakit sa taong nanakit sa’yo o madali mong makuha ang bagay na iyong gustuhin.
Kaya naman, habang bata pa ang iyong anak, kailangan mo siyang pangalagaang mabuti upang hindi siya matulad sa mga naging criminal ngayon. Sa pagsasaliksik nga ay napagtanto na ang mga naging criminal ay mayroong iisang pagkakapareho, nabagok ang ulo nila noong kanilang kabataan.
Ngayon, nanaisin mo pa bang pabayaan ang iyong anak?




HERBAL PILLS, SANHI NG PAGKAKAROON NG LIVER CANCER

NAKUPO, hindi pala lahat ng herbal pills ay makabubuti. Ayon kasi sa aking pagsasaliksik, kapag ang babae ay umiinom ng herbal pills para mapigilan ang kanyang menopausal ay maaari siyang magkaroon ng liver cancer.
The only permanent thing in this world is change, sabi nga. Kaya naman ang lahat ng pagbabago na nangyayari sa ating paligid ay kailangan nating tanggapin. Kung hindi ay madi-disappoint lang tayo.
Kaya kung makikita mong ang isang lote ay bakante, huwag mong asahan na habambuhay ay manantiling walang nakatira riyan. Baka sa muli mong pagdaan sa lugar na ‘yan ay mayroon ng bakay o gusali na nakatayo riyan. Sa bawat araw na magdaan nga, ang mga bata ay laging may natututunan na siguradong magagamit nila sa kanilang paglaki.
Ikaw, handa ka bas a mga pagbabago?
May mga babae kasi na hindi magawang tanggapin na nangungulubot na ang kanilang balat kaya naman kung mayroon lamang silang pera ay agad sila pupunta sa mga beauty clinic upang magpabanat ng mukha. Iyon nga lang, kahit na  suki na sila ng mga dermatologist ay siguradong darating din na ang araw na lalawlaw ang kanilang balat sa ayaw nila at sa gusto.
IKaw, handa ka na ba sa pagbabago?
At ang pinakamatinding pagbabago na mararamdaman ng mga babae ay kapag malapit na silang mag-menopause. Kapag malapit na kasing mawala ang kanilang regla ay tiyak na makakaramdam ka ng hot or cold flushes na hindi mo maipaliwag kung saan nga ba ito nagmumula kaya naman makakaramdam ka ng pagkairita. Dahil sa hindi mo gustong maramdaman ito ay maghahagilap ka ng paraan para hindi mo maramdaman ang mga ganitong epekto sa’yong katawan.
Dahil sa rami ng babae na ayaw na makaramdaman ng mga sintomas ng menopausal, siguradong magiging mabili sa kanila kapag may nag-alok sa kanila ng herbal pills  
Ganoon ka ba?
Naku, kung sasabihin mong ‘oo’, kailangan sigurong mabalaan kita dahil kapag ang babae ay madalas uminom ng herbal pill ay maaari silang magkaroon ng liver cancer. Tulad na lamang ng babaeng taga-United Kingdom na parating umiinom ng herbal pill upang hindi niya maranasan ang mga sintomas ng malapit ng mag-menopause.
Ang Black cohosh root ay sangkap na ginagamit upang malabanan ang mga sintomas ng mga nagmemenopause tulad ng hot flushes, night sweats, hindi pagkatulog, pagbabago ng mood at iritasyon.
Nakakairita kasi kapag may ganitong nararamdaman ang mga babae. Hindi nila magawa ang kanilang mga trabaho ng mahusay kaya nais nilang iwasan na makaramdam ng kung anu-anong pagbabago sa kanilang katawan. Kaya naman kung may mga herbal pills na inaalok at nangangakong hindi nila mararamdaman ang kalimitang nadarama ng mga malapit ng mag-menopause, tiyak na marami ang bibili.
Kung naiisip mo na ring bumili nito, kailangan mo munang basahin ang artikulo na ito upang ikaw ay aking mabalaan. Isang babae kasi na nagmula sa UK ang kinakailangang sumailalim sa liver transplant  dahil sa pag-inom niya ng herbal pill upang hindi niya maramdaman ang mga sintomas ng mga nagme-menopause.
Ayn kasi kay Richard Woodfield, ang head ng Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA), kapag ang isang tao ay mayroong history ng liver problem, hindi na dapat gumamit ng sangkap na Black cohosh root dahil hindi ito makakabuti sa’yong atay.
O, hihintayin mo bang mangyari ito sa’yo?
Ah, mas maiging alamin mo muna kung ano ang iyong medical history bago ka magdesisyon na uminom ng kung anu-anong pills. Makabubuti rin kung tatanggapin mo na lang kung ano ang nakatakda. Tutal lahat naman talaga ng tao ay sa pagtanda ang ating patutunguhan.

















DAHIL SA KAKAIBANG SAKIT… BABY, MUKHA NG LOLA!

OH no, nakagigilalas isipin na kahit pala ang isang taong gulang ay maaari ring magkaroon ng kulu-kulubot na balat kung dadapuan sila ng karamdamang tinatawag na cutis laxa.
Isang taong gulang pa lamang si Yuxin Xiaoli, taga-China, pero kung makikita natin siya ay makakaramdam tayo ng matinding awa sa kanya. Baka nga maiyak ka pa dahil sa kaawa-awa niyang hitsura. Dahil kasi sa kakaiba niyang sakit na ay mistulan na siyang matanda dahil kulubot na ang kanyang balat. Mayroon kasi siyang connective tissue disorder kaya naman hindi nababanat ng husto ang kanyang balat. At habang lumalaki siya ay lalong lumalawlaw ang kanyang balat.

Kung maraming naaawa sa kanyang kalagayan, marami rin namang bata ang nakakaramdam ng takot kapag siya ay nakikita. Sa tingin kasi ng mga ito ay isa siyang monster. Bagamat hindi pa alintana ni Yuxin ang kakaiba niyang hitsura, para naman nilalapirot ang puso ng kanyang ina sa kalagayan ng anak. Damang-dama niya kasi ang sakit kapag nakikita niyang kinatatakutan ang kanyang anak.
Ayon sa 23 taong gulang na ina, noong isilang niya si Yuxin ay napansin niya na lawlaw ang balat nito ngunit hindi niya iyon gaanong pinansin. Subalit, nang isang taong gulang at kalahati na ang kanynag anak ay napagtanto niya na para ng lola ang hitsura nito kaya naman agad nila itong ipinasuri sa espesyalista at napagtanto nga ang kakaiba nitong sakit. Ewan nga lamang niya kung bakit nagkaganoon ang hitsura ng kanyang anak gayung wala namang nakitang diprensiya ang doctor habang siya ay nagbubuntis.
Ah, talagang maraming katanungan na hindi natin masagot. Tulad na lamang na kung bakit ang isang taong gulang ay makaranas ng ganitong pagsisirap. Siguro nga ay tanging ang Maykapal lamang ang nakakaalam kung bakit may mga tao na kailangang dumaan sa ganitong pagsubok. Mas makabubuti rin kung magtitiwala tayo ng husto sa Kanya.
Sana sa artikulong ito ay maisip mong mapalad ka dahil hindi mo naranasan o ng anak mo na magkaroon ng ganitong karamdaman. Natitiyak ko kasing kung ikaw ang magulang, makakaramdam ka ng matinding sakit kapag ganito ang hitsura ng iyong anak. Pinagtatawanan at kinatatakutan.
Kay asana, makuha mong i-appreciate ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi’y baka iparanas Niya sa’yong ang matinding sakit tulad ng nararamdaman ng ina ng ating bida.






Mga buntis, read n’yo ‘to… PAGTULOG NG NAKATAGILID, SANHI NG MISCARRIAGE

KAPAG ang buntis ay natutulog ng patagilid, may tendensiya na siya ay makunan. Ito ay ayon sa mga mananaliksik na taga-Australia.
Hindi madali ang magbuntis! Tiyak kong maraming ina ang sasang-ayon sa akin. Talaga naman kasing sobra-sobra ang sakripisyo ng mga ina kapag mayroon na siyang dinadala. Marami na kasing bawal sa kanya at unti-unti na ring magbabago ang hugis ng kanyang katawan.
Ikaw ba ay buntis?

Kung sasabihin mong ‘oo’ kailangan mong isaksak sa malikhaing pag-iisip mo na hindi ka lang dapat maging conscious sa’yong pagkain. Dapat ding kalimutan mo rin muna ang ibang mga nakasanayan mo tulad ng paghiga ng nakatagilid.
Over naman! Maaaring ito ang magiging reaksyon mo pero kailangang kapag matutulog ka ay siguraduhin mo na ikaw ay nakatihaya. Kung pipiliin mo kasing matulog nang nakatagilid ay malaki ang posibilidad na maapektuhan ang iyong dinadala at maging dahilan pa ito para ikaw ay makunan.
Sa pag-aaral ngang isinagawa sa walong ospital na nakapalibot sa Australia ay inaalam ang rason kung bakit marami ang nakukunan. Sa limang taon nilang pagsasaliksik ay napag-alaman nila na ang mga nakukunan ay iyong mahilig na humiga ng patagilid.
Sabi nga ni Dr Adrienne Gordon, lead researcher na nagmula sa Sydney's Royal Prince Alfred Hospital, ang paghiga ng patagilid kapag nagdadalang-tao ay napakadelikado para sa’yong dinadala ay dahil hindi  maayos ang daloy ng dugo na dapat ay mapunta sa’yong dinadala.
O, hihintayin mo pa bang mangyari ito sa’yong dinadala?
Huwag mo na sanang hintayin na mangyari ito kaya dapat lamang na bago ka pa magsisi ay pag-aralan mo ng umayos ng higa sa’yong pagtulog. Siguro naman ay nais mo ring maging okay ang kalagayan ng iyong dinadala, ano? Kungganoon, tiyakin mo na lang na magiging komportable  ang iyong baby sa’yong sinapiupunan.
Hay, huwag mo na hintayin pang maranasan ang pagdurusang pinagdaraanan ng mga ina na nakunan dahil hindi ayos ang kanilang paghiga. Nakakapanlambot ngang isipin na kada taon ay 4,000 ang nakukunan sa Uk at kada araw ay 11 ina ang nawawalan ng baby dahil sa pagtulog ng nakatagilid.
O, matutulog ka pa bang nakatagilid?





Hindi lang para sa may Alzheimer's… MINERAL WATER, PANLABAN SA PAGKAWALA NG ALAALA

KAHIT na mayroon kang Alzheimer's hindi pa rin mawawala ang iyong alaala kung araw-araw kang iinom ng mineral water, ayon sa pag-aaral. 
Napakaimportante ng tubig sa ating katawan, nagagawa kasi nitong malinis ang ating lalamunan kapag kumain tayo ng maalat, matamis, maasim o maanghang. Pero, alam mo bang hindi lang pantanggal ng lasa ang nagagawang tulong nito sa atin. Nagagawa rin nitong pagandahin ang aura. At para sa mga mayroong Alzheimer's, hindi nila basta-basta malilimutan ang kanilang nakaraan kung araw-araw silang iinom ng mineral water.
Napagtanto kasi ng mga British researchers na ang pag-inom ng silicon-rich mineral water ay nagawang pababain ang neurotoxin aluminium sa ating katawan. Ang aluminium kasi  ay maaaring maging dahilan upang magkaroon ng Alzheimer's ang isang tao. Bagamat hindi naman sinasabi na maaaring lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng Alzheimer's ay naobserbahan na ang pag-inom ng mineral water ay nakakatulong sa pasyente upang mapigilan ang kanilang paglimot.
Ang mga pasyente nga na sumailalim sa pag-aaral, sila ay ‘yung mga may Alzheimer's, umiinom ng isang litrong mineral water sa isang araw ay hindi naging makakalimutin. Marami pa rin siyang naaalala sa kanyang nakaraan.
Hindi namn siguro kaila sa’yo na kalimitan sa mga taong mayroong Alzheimer's ay madali ng makalimot. Kung minsan nga, maging ang mahahalagang tao sa kanilang buhay ay nakakalimutan din nila. Kaya naman napag-alaman na ang mineral water talaga ay makakatulong sa atin lalo na sa mga taong mayroong Alzheimer's.
O, ano, babalewalain mo pa ba ang pag-aaral na ito. Hindi kaya mas mabuting lagi kang uminom ng mineral water kahit na wala ka pang Alzheimer's? Malay mo, dahil dito ay madali mong maalala ang mga importanteng detalye sa’yong buhay.
Kung isa kang estudyante, hindi kaya maiging subukan mong uminom ng mineral water? Malay mo sa pamamagitan nito ay makakuha ka ng mataas na marka dahil hindi mo basta malilimutan ang iyong pinag-aralan.
O, iinom ka na ba lagi ng mineral water?






Para sa mga nagdi-diet…. MAS EPEKTIBO NA KUMAIN NG MADALAS PERO KAUNTI LANG

TATLONG beses sa isang araw dapat kumain ang isang tao, ito ang madalas nating sabihin. Sa pamamagitan kasi noon ay hindi ka na makakaranas ng pagkagutom. Kaya kung minsan ay dinadamihan mo na ang pagkain para hindi ka na magmiryenda pa.
Subalit, tama nga ba ang iyong ginagawa?
Kung ikaw ay nagdidiyeta, huwag mong isipin na maganda nga ang epekto sa ating katawan ang pagkain ng marami ng tatlong beses sa isang araw. Sa pagsasaliksik kasi ay napagtanto na mas epektibong makapagpapayat kapag ang isang tao ay kumain ng siyam na beses sa isang araw.
Kalokohan! Tiyak kong ito ang una mong maiisip ngunit ito ang totoo. Sabi nga sa pagsasaliksik, para mas epektibo ang diet, kaunti lang ang kainin mo pero kailangan ay madalas. Sa pamamagitan nito ay mapapanatili mo ang steady ang iyong blood sugar at energy level. Kung isa kasi roon ang bumagsak o tumaas, siguradong makakaramdam ka ng panghihina at maaari ka pang magkasakit.
Ibig mo bang mangyari ito sa’yo?
Nakatitiyak akong hindi ang isasagot mo kaya mas maiging sundin mo na lamang ang makabagong paraan ng pagpapapayat.
Hmmm, sa palagay ko naman ay walang mawawala kung susubukan mong kumain ng kaunti ngunit madalas at pakiramdaman mo ang iyong sarili kung pumapayat ka nga ba. Subalit, hindi ba? Kung madalas ang iyong pagkain ay hindi ka agad makakaramdam ng gutom at pakonti-konti rin ang iyong pagkain dahil nangangamba ka rin na kapag dinamihan mo ang pagkain ay bigla ka na lang lumobo. Isa pa, kung ikaw ay abala sa trabaho at lagi lang naming nakaupo, siguradong hindi ka agad makakaramdam ng gutom lalo na’t mabagal naman ang iyong metabolism.
So, ano pang hihintayin mo?
Try mo na ito!






 ‘

Pananakit ng ngipin habang naglalakad, pagkakalbo, pangangasul ng kuko etc… IBA’T IBANG SENYALES NG SAKIT SA PUSO

HINIHINGAL ka ba  parati? Naninikip ang iyong dibdib kapag nagagalit? Ang mga ito ay ilan lamang palatandaan na mayroon kang sakit sa puso. Huwag mong isipin na porke hindi ka nakakaramdam ng ganito ay malusog na ang iyong puso. Sa aking pagsasaliksik ay napag-alaman kong kahit pala simpleng diprensiya sa ating paningin ay maaari palang palatandaan na mayroon kang sakit sa puso. Nais mo bang malaman kung anu-ano ang mga ito? Naririto at aking ibabahagi sa’yo.
Sumasakit ba ang iyong ngipin habang ikaw ay naglalakad? Maaaring sa una ay inaakala mo na kaya lang sumasakit ang iyong ngipin ay dahil lang nakakain ka ng matamis o nasira ang ngipin o nabunot ang iyong pasta, nagkakamali ka. Ayon nga kay Dr Klaus Witte, isang cardiologist sa Leeds General Infirmary at senior lecturer sa University  of Leeds, ang pagsakit ng ngipin ay maaari ring maging palatandaan na mayroon kang mahinang puso. At kalimitan daw itong umaatake kapag pakyat ka sa mataas na lugar. Matitigil lang ang pananakit ng iyong ngipin kapag ikaw ay huminto at nagpahinga.
Mayroon ka bang migraine? Huwag mong isipin na kapag mayroon kang migraine ay natural lang na sumakit lagi ang ulo mo. Ayon sa American Academy of Neurology , kapag ang isang tao ay nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo o migraine tapos ay nagiging zigzag ang tingin mo sa paligid, lalo na sa mga babae, maaaring mayroon siyang sakit sa puso.
Manilaw-nilaw ba ang iyong palad at talampakan? Kung ang isang tao raw kasi naninilaw ang talampakan at palad, maaaring mayroon siyang  familial hypercholesterolaemia (FH). Ibig sabihin ay  mataas ang kanyang cholesterol na namana niya sa kanyang mga ninuno.
Pabalik-balik ba ang iyong sakit? Naku, kapag pala tumagal ng 5 hanggang 6 na araw ang trangkaso, maaaring dahilan ito ng sakit sa puso. Kaya raw kasi nagkakasakit ang isang tao ay dahil hindi na regular ang pagtibok ng kanyang puso. Ang trangkaso nga rind aw ay maaaring magkaroon ng myocarditis, kapag napasok ng viral infection ang iyong puso siguradong  mamaga at magkakadiprensiya ang iyong puso.  
Nalalagas ba ang iyong buhok? Kung inaakala mo na simpleng problema lang ang pagkalagas ng iyong buhok, nagkakamali ka. Hindi porke nalalagas ang iyong buhok ay nasobrahan ka sa Vitamin A o kaya’y dahil sa sandamakmak mong problema. Malaki ang posibilidad na kaya ka nakakalbo ay dahil may sakit ka sa puso.
Nangangasul ba ang iyong mga kuko? Kung wala halos oxygen sa’yong katawan ay makikita mong nagkukulay asul ang iyong kuko. Sabi kasi’y mas nangingibabaw ang ating ugat kaysa sa pagdaloy ng dugo.
Hah, ang ilan ba ditto ay nararanasan mo? Naku, kung sasabihin mong ‘oo’, mas maiging magpunta ka na sa ospital at magpa-test ka upang habang maaga ay malaman mo kung maaari pa bang magamot ang iyong karamdaman. Bukod sa mga ito, maari ring dahilan ng sakit ng puso, ang pagkabaog, pamamawis, pagkahilo at paghilik.
O, dapat ka na bang magpa-check-up?




Sa mga taong ibig gumaling agad… PAG-INOM NG GAMOT NA MATAAS ANG DOSAGE, SANHI NG SAKIT SA PUSO AT PAGIGING MAKAKALIMUTIN

KAPAG mababa lang ang dosage ng gamot na iyong iniinom, hindi ka na magkakaroon ng sakit sa puso, hindi ka pa magiging makakalimutin. Ito ang sinasabi ng mga mananaliksik.

Kapag tayo ay mayroong sakit, ang agad nating hinahagilap ay ang gamot. Naniniwala kasi tayo na agad malulunasan ang anumang karamdaman kapag uminom tayo ng gamot para rito. Kung minsan nga, sa kagustuhan nating mawala agad ang ating karamdaman ay magdedesisyon tayong taasan ang dosage ng iniinom nating gamot.



Ganito ka ba?

Hay naku, kung ikaw ay pasaway talaga ngang dodoblehin mo pa ang dosage ng iyong gamot sa paniniwalang gagaling ka agad kapag ganito ang iyong ginawa. Ngunit, kailangan mong maintindihan na ang ginagawa mong ito ay hindi makabubuti sa’yo. Hindi porke agad kang gagaling ay matutuwa ka na. Dapat mong alalahanin ang magiging epekto nito sa’yo?

Ayon nga sa pagsasaliksik, kung  mababa lang ang dosage ng gamot na iyong iniinom, hindi ka magkakasakit sa puso at magiging matalas ang iyong memorya. Hindi tulad ng mga taong umiinom ng gamot na matataas ang dosage, maaari na silang atakihin sa puso, tiyak pang magiging malilimutin sila.

O, gusto mo bang mangyari ito sa’yo?

Nakasisiguro ako na ‘hindi’ ang iyong isasagot kaya huwag kang iinom ng sobra-sobrang gamot dahil hindi ito makatutulong upang mapabuti ang iyong kalagayan. Sa halip, magiging daan pa ito para lumala ang iyong karamdaman. Sabi pa nga, kapag panay ang inom mo ng gamot ay labis itong makakaapekto sa’yong utak. Magiging makakalimutin ka na, maaari ka pang magkaroon ng dementia.

Sa limang taon ngang pag-aaral sa University of Gothenburg, Sweden ay napagtantong ang matatandang babae na nasa edad 70 to 92 ay kalimitang nagkakaroon ng sakit sa puso at nai-stroke. Ito ay sanhi ng madalas na pag-inom ng gamot. Base sa pag-aaral ay mas maraming babae ang inaatake sa puso at nagiging malilimutin kaysa sa mga lalaki. Maaaring mas desidido silang gumaling agad para makapagtrabaho at makapag-alaga ng kanilang anak.

O, ikaw, ibig mo bang gumaling agad?




Hindi lahat tinatablan ng hipnotismo… TAONG MAPAGDUDA, HINDI MABIBIKTIMA NG BUDUL-BUDOL

HINDI lahat ng tao ay tinatablan ng hypnoticism, ito ang napag-alaman ng mga scientist.
Mag-ingat sa budul-budol! Ito ang lagi mong tatandaan lalo na’t mayroon kang dalang malaking pera. At kapag may estranghero na lumapit sa’yo ay huwag kang basta titingin sa kanyang mga mata dahil maaari ka niyang ma-hipnotismo. Kapag nagawa niya iyon ay magiging sunud-sunuran ka sa bawat sabihin at ipag-uutos niya.
Nais mo bang mangyari sa’yo iyon?
Kung ayaw mong mawalan ng pera o alahas, hindi mo gugustuhing mahipnotismo lang ng kung sino. Kaya, kinakailangan mo ring maging matalino sa kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Okay lang sana kung ang  isang espesyalista ang maghihipnotismo sa’yo. Siguradong  matutulungan kang malabanan ang anumang sakit na iyong nararamdaman. Ngunit, alam mo bang hindi naman pala lahat ng tao ay tinatablan ng hipnotismo.
Ayon nga sa mga scientist sa Stanford University , U.S.A., ang mga taong mabilis gumawa ng desisyon ay ang madaling tablan ng hipnotismo samantalang ang mga taong mapanghusga naman ay hindi tinatablan ng hipnotismo. Hmmmm, bakit nga ba? Ang sagot ay mababasa sa artikulo na ito.
Sabi nga ni Dr. Spiegel at ang mga kasamahan niyang namamaliksik, wala naming pagkakaiba ang structure ng brain ng mga tao. Nagkakaroon lang sila ng pagkakaiba sa uri ng kanilang pagdedesisyon at napagtanto nga nila na ang madaling mahipnotismo ay iyong mga tao na nagku-concentrate sa kanilang mga ginagawa. Samantang ang taong mapanghusga ay hindi tinatablan ng hipnotismo dahil ang utak nila ay hindi nakatuon lang sa isang bagay.
Ikaw, madali ka bang ma-hipnotismo?
Bagamat nakakairita nga sa isang tao iyong masyadong mapanghusga, maaari naman itong makatulong upang hindi sila maloko ng ibang tao. Kung minsan kasi ang mga taong nakatuon lang sa isang bagay tulad ng pag-unlad ay maaaring ma-hipnotismo ng kung sino lang.
Kung ikaw ang aking tatanungin, mas gusto mo bang mahipnotismo o kikilalanin mo muna ang ng husto ng isang tao bago ka magtiwala? Alalahanin mo, may mga taong kahit kakilala mo na at pinagkakatiwalaan, nagagawa pa rin niyang mang-hipnotismo upang makuha ang kanyang gusto.









Paghalik sa aso, nakakalagas ng ngipin

KAPAG ang isang tao ay magiliw sa alaga niyang aso, tiyak na pipigilan itong  yakapin at halik-halikan. Sabi nga, ang ganoong aksyon ay nagpapahayag ng pagmamahal. Ngunit, kailangan pa rin nating tandaan na maaari kang mapasahan ng sakit kung labis mong niyayakap o hinahalikan ang iyong aso. Bukod kasi sa hika, maaari pang malagas ang iyong ngipin kung hinahalikan mo ang iyong aso at dinidilaan ka niya.
Sabi nga ng mga eksperto, maaari kang magkaroon ng gum disease kapag hinalikan mo ang iyong aso at dinilaan niya ang iyong labi. Mapapasa kasi niya sa’yo ang anumang bacteria na nasa kanya. Kapag hindi agad  nagamot ay maaari siyang magkaroom ng periodontitis, isa itong seryosong karamdaman sa gilagid na makakaapekto sa tissues na sumusoporta sa’yong mga ngipin. Kaya naman kapag nasira iyon, maaari nga talagang isa-isang malagas ang iyong mga ngipin.
Halos lahat ng aso ay mayroong periodontitis, kaya naman kung makikipag-lips to lips ka sa’yong alaga, siguradong mapapasa niya sa’yo ang sakit na ito? Gusto mo ba iyon?

Alalahanin mo, gaano ka man kaganda o kaguwapo, siguradong maglalaho ang iyong ganda o kapogian kapag nalagas na ang iyong ngipin. Kaya naman kailangan mong mag-ingat. Sa palagay ko naman ay maraming paraan para maipadama mo sa’yong alaga ang pagmamahal mo.
Kung mahal mo ang alaga mong aso, mas dapat mong mahalin ang iyong sarili. Kung hindi mo kasi ito gagawin, papangit ang iyong hitsura. Gusto mo ba iyon? Alalahanin mo, marami ang maaaring mawala sa’yo kapag nalagas ang iyong ngipin at kabilang na rito ang lovelife, career at social life. Alam naman natin na ang mga tao ay mas tinitingnan ang pisikal na hitsura kaysa sa talento at kabaitan. Isa pa, maaari ka ring mawalan ng tiwala sa’yong sarili kapag humarap ka sa salamin at nakita mong marami na sa ngipin mo ang nalagas.
Gayunman, bawat problema ay may solusyon. Kung nais mo talagang halikan ang iyong alaga, kailangan mo munang siguraduhin na laging malinis ang kanyang ngipin.
O, magagawa mo ba ito?





My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...