Sabado, Agosto 31, 2013

Barya, sanhi ng eczema at allergy

AYON sa pagsasaliksik, ang paghawak sa coins o barya ay dahilan kaya maaari kang magkaroon ng eczema at allergies.
Marami ang nagsasabi na ang pera ang dahilan kaya tayo nagkakaroon ng magandang buhay. Kaya naman nais natin ay parati tayong mayroong pera. Hindi naman mawawalan ng pera ang ating wallet kung mayroon tayong trabaho at magagawa nating magtipid. Sa pamamagitan nito ay mayroon kang perang mahuhugot kapag kailangang-kailangan mo na.
Pero, teka, ikaw ba ang tipo na laging may perang hawak?
Kung ikaw ay nagtatrabaho sa banko o ‘di kaya naman ikaw ay tindera, tiyak ko nga na palagi kang nakakahawak ng pera. Kung minsan naman kahit na hindi ka nagtatrabaho sa mga ito ay lagi ka ring humahawak ng pera.
Hmmm, ganoon ka nga ba?
Kung ikaw ay parating humahawak ng coins, kailangan mong mabasa ang artikulo na ito. Sa pamamagitan nito ay magagawa kong maibahagi sa’yo ang panganib na dulot ng palaging humahawak ng pera.
Alam na naman natin na ang pera ay napakarumi. Kung sinu-sino kasi ang humahawak nito kaya naman palipat-lipat  lamang ang mikrobyo nito. Masasabi namang isang malaking kalokohan kung huhugasan mo ang iyong coins at sasabihin para lang maalis mo roon ang mikrobyo. Tiyak ko din naman kasi na ang makakaisip lang nito ay ang taong kulang sa katinuan.
So, marami ka bang coins?

Aba’y huwag mong masyadong hawakan ‘yan dahil baka bigla ka na lang magkaroong ng eczema at allergy. Dahil kasi ang ilang mga coins ay masyadong makintab, nangangahulugan na maraming nickels na  sangkap dito kaya maaaring maging dahilan iyon para magkaroon ka ng sakit sa balat.
Kaya naman kung ikaw ay mayroong nickel allergy, hujwag kang basta-basta hahawak ng coins dahil maaaring maging napakapanganib nito sa’yo. Makakaramdam ka ng matinding pangangati at maaari pang mamaga ang iyong kamay. Siguro naman ay hindi mo nanaisin na mangyari iyon sa’yo, ano?

Kaya kung hindi naman kinakailangan, huwag kang masyadong maghawak ng pera. Kung ikaw naman ay cashier at  tindero, maigi kung maglalagay ka ng proteksyon sa’yong kmay para hindi mo maranasan ang pagkakaroon ng sakit sa balat. 

MGA BATANG PINALAKI NG GAY PARENTS, MAS MALUSOG AT MABABAIT

AYON sa pag-aaral, kapag daw ang bata ay mayroong gay parents, sila’y mas malusog at mabait.
Problema! Ito agad ang sasabihin natin kapag ang isang bata ay mayroong gay parents. Kung ang mga magulang niya kasi ay parehong lalaki o babae, agad siyang magtatanong. Paano siya nabuo? Dahil sa maraming tsismosa’t intregero sa paligid, ang agad papasok sa kanyang utak ay  isa siyang ampon o ‘di kaya’y anak siya sa pagkadalaga o pagkabinata ng isa sa kanyang magulang.
Iniisip mo ba na kapag mayroon siyang gay parents ay magkakaroon na siya ng miserableng buhay?
Mali ka!
Sa pag-aaral na isinagawa pa sa Australia, mas malulusog ang mga bata na mayroong gay parents kaysa sa mga heterosexual parents. Sabi nga ni Dr. Simon Crouch, lead researcher, ang mga gay parents ay mas nakikipagkomunikasyon sa kanilang anak. Dahil doon ay natatalakasi nila kung mayroon bang nambu-bully sa kanilang anak o may nang-aasar dito. Dahil doon ay nagagawang payuhan ng gay parents ang kanilang anak kung ano nga ba ang dapat nilang gawin.
Kung inyong mapagmamasdan, kapag ang mag-asawang lalaki at babae ay nag-away ay  tila wala na silang pakialam sa kanilang paligid. Kaya naman kahit kaharap nila ang kanilang anak ay hindi nila inaalintana. Sabi nga, kapag nakikita ng anak na nag-aaway ang kanilang magulang ay nagiging malulungkutin sila. Para rin pagtakpan ang sakit na kanilang pinagdadaanan ay nagiging salbahe sila. Kung minsan kasi, ito lang ang alam nilang paraan para malimutan ang kanilang problema. O, hindi ba ang kadalasang pinag-aawayan ng mag-asawa ay ang third party?
Samantalang ang  gay parents ay tunay na nagmamahalan, kaya naman hindi sila gaanong nag-aaway. Kung nag-aaway man, siguradong mahinahon palagi ang kanilang pag-uusap. Napaka-supportive pa nila sa kanilang ‘anak’. Dahil sa malawak na atensyon na ipinapakita ay nagiging mabait ang kanilang anak. Dahil din sa mga payo na madalas nilang ibigay sa mga ito ay hindi nagiging palasagot ang bata. Sa pamamagitan nu’n ay nagiging malusog ang bata, hindi lang sa pisika pati na rin sa emosyonal at ispiritual.
Kaya, kahanga-hanga ang mga gay parents.




PAGKAIN NG ISDA, PANLABAN SA ALLERGY

AYON sa pag-aaral, kapag ang bata pa lang ay sanay ng kumain ng isda, maaaring hindi siya magkaroon ng allergy sa kanyang pagtanda.

Mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang anak kaya naman lahat ng kanilang gusto ay ating ibinibigay. Mga laruan at magagandang kagamitan. Pakiwari natin sa pamamagitan ng mga ito ay masasabi natin sa kanila na mahal na mahal natin sila. Subalit, kailangan mo ring tandaan na kung mahal mo sila ay ipapamulat mo rin sa kanila kung ano ang makabubuti para sa kanila. Para higit mong maintindihan ang aking sinasabi, kailangan mong basahin ang artikulo na ito.
Hindi dapat laging sanayin ang bata sa masasarap na pagkain ngunit wala namang makukuhang sustansiya. Samantalang kung sa murang edad pa lang niya, 1 taon o 10 months, maiging masanay na siyang kumain ng isda para hindi na niya itong tanggihan pagsapit niya ng  3 gulang pataas.
Kung masasanay siya sa pagkain ng cake, french fries, chicken o kung anu-ano pang masasarap na pagkain, malaki ang posibilidad na iluwa lang niya ang isda kapag ito ay kanyang nalasahan. Alam naman kasi natin n a hindi iyon gaanong kasarapan pero marami naman tayong sustansiya na makukuha sa pagkain nito.
Sa akin ngang pagsasaliksik ay napagtanto ko na kapag ang bata ay nasanay agad kumain ng isda bago tumuntong ang ika-1 niyang kaarawan ay malaki ang tsansa na hindi na siya magkakaroon ng allergy. Sabi pa nga ng mga scientist na ang mga batang nasa edad 12 ay hindi nagkakaroon ng allergies ay sanay kumain ng isda noong 1 taong gulang sila. Kung magkakaroon man sila ng eczema o hay fever, sobrang liit ang tsansa na iyon.
Kaya talagang kailangan nating sanayin ang bata na kumain ng isda, upang hindi siya magkaroon ng allergy sa kanyang paglaki.
Kung magkakaroon kasi siya ng allergy, tiyak na makararamdam tayo ng awa sa kanila dahil makikita natin na may pantal-pantal na tutubo sa kanilang katawan. Makakaramdam pa sila ng pangangati.
Makakaya mo bang makita na naghihirap ang iyong anak?
Kung ayaw mo, aba, kailangan ay sanayin mo siyang kumain ng isda. Tingnan mo lang mabuti ang kanyang kakainin dahil baka may tinik na maligaw.



Para sure na hindi mabibinat o makakahawa… 24 oras pang pahinga matapos mawala ang lagnat, kailangan

MASAMA ang iyong pakiramdam, bakit pumasok ka? Ito ang karaniwang tanong ng isang empleyado sa kanyang kasamahan.
“Okay na ako,” sasabihin  naman niya sabay ngiti. Ibig niyang ipakita sa kanyang kasamahan na okay na okay na siya kahit ang totoo ay nanlalata pa siya.
Kapag nawala na ang ating lagnat, maaari na tayong maglaro o magtrabaho, ito ang lagi nating sinasabi sa ating sarili. Kaya, naman madalas tayo ay nabibinat. Ang lagnat na nawala ay bumabalik kapag  pinuwersa natin ang ating sarili na magtrabaho o maglaro. Siguro naman ay alam na natin ang kahihinatnan natin kung babalikan tayo ng sakit ngunit may mga matitigas na ulo lang sa atin kaya pinipiling magbakasakali na hindi mabibinat.
Ikaw, ganoon ka ba? May katigasan ng ulo?
Kung ikaw ay isang empleyado, hindi kita masisisi kung nanaisin mong pumasok agad. Siyempre, ayaw mo ng mabawasan pa ang iyong sasahurin. Nakahihinayang din naman kasing talaga. Sa mahal ng bilihin ngayon, tiyak na kakapusin ka kung hindi ka magtitipid. Ngunit, makatitipid ka nga ba kung pumasok ka agad kahit hindi pa okay ang iyong pakiramdam.
Hindi, ito ang sigaw ng mga dalubhasa. Bukod sa maaari ka nang balikan ng lagnat, maaari ka pang makahawa.
Sa pagsasaliksik kasi ay napag-alaman kong kapag pinilit mong pumasok o maglaro kahit hindi ka pa magaling, may tendensiya na makahawa ka lamang.
Kaya naman, sinasabi ng mga mananaliksik sa University Pittsburgh, mas makatitipid ang kompanya kung hahayaan na lamang nila ang empleyado na magpahinga na lamang sa kanilang bahay.
Kung papasok pa kasi ang empleyado kahit masama pa ang kanilang pakiramdam, may posibilidad na lumaganap lang ang virus sa paligid. Kung mangyayari iyon, siguradong hindi lang ikaw ang magkakasakit.
O, nanaisin mo pa bang magkasakit? Ibig mo bang makahawa o mahawahan?

Sabi ng mga espesyalista, maiging kapag nawala na ang iyong lagnat ay saka ka pa lang bumilang ng 24 oras. Kapag nakapagpahinga ka na ng husto, siguradong kinabukasan ay magiging masigla ka na. 

PAGDIDIYETA, PAMPATALAS NG MEMORYA

36-26-36. Ang perpektong vital statistic ng isang babae. Kaya naman kung mayroon kang ganitong katawan, siguradong hindi lang isang lalaki ang sisipol sa’yo. Samantalang kung ikaw naman ay walang ginawa kundi ang kumain, siguradong siguradong tataba ka nang tataba. Hanggang sa hindi ka na halos makahinga.
Ikaw, mataba ka ba?
Aba, huwag mo sanang balewalain ang iyong sarili. Kailangan namang kahit paano ay mabawasan ang iyong timbang. Huwag mong hayaang maging tampulan ng tukso ang iyong katabaan. Para mabawasan ang iyong katabaan, kailangan ay mag-ehersisyo ka palagi. Hindi kailangang gumugol ka nang napakahabang oras para lang ikaw ay pumayat. Ang kalahating oras na pag-eehersisyo ay makatutulong na para ikaw ay pagpawisan. Kaya, gawin mo ito.
Kung ikaw ay papayat, baka sakaling matupad ang pangarap mong matagpuan ang iyong Prince Charming. O, nais mo bang mangyari iyon? Tandaan mo, ang type ng mga lalaki ay iyong may magandang pangangatawan.
Alam mo bang bukod sa magkakaroon ka ng magandang pangangatawan  kapag nag-ehersisyo ka ay may maganda rin idudulot sa’yo ang pag-eehersisyo. Sa pamamagitan noon  ay tatalas ang iyong memorya.
Sabi nga ng mga scientist, nag-i-improve ang memory ng isang mataba kapag siya ay pumayat. Marami na siyang mga bagay na madaling maalala.
Ang mga mananaliksik sa Umea University na matatagpuan sa Sweden ay kumuha ng 20 overweight, post menapousal woman , na nagdieta sa loob ng anim na buwan. Doon ay kinumpirma nila na ang memorya nila ay tumalas. Madali na nilang natatandaan ang mga importanteng bagay na dati’y madali nilang nakakaligtaan.
Ikaw, okay  ba ay mataba?
Gusto mo bang maging makakalimutin?
Kung ayaw mo, maiging magdiyeta ka na.
Ito naman ay labis na makakatulong sa’yo, hindi lang dahil magkakaroon ka ng magandang katawan kundi dahil sa tatalas ang memorya mo.






DAHIL SA KAKAIBANG KARAMDAMAN… TEENAGER, MUKHA NG LOLA

MUKHA na akong matanda! Ito ang karaniwang sigaw ng babae kapag napapaharap siya sa salamin at makakakita siya ng kulubot sa kanyang balat. Alam niya kasing ito ang senyales ng pagtanda.
Para sa isang babae, napakahirap tanggapin nito, lalo na’t noong kabataan niya ay wala siyang ginawa kundi ang magpaganda at alagaan ang kanyang sarili. Kaya naman kapag sapit niya ng 40 pataas ay parang nagiging praning na ang mga banidosang babae na ito. Hindi na halos lumalabas ng bahay at kung minsan pa nga ay nagtatalukbong para lang huwag makita ang kulubot niyang balat.
Tsk, sobrang OA. Marahil, ito ang agad mong sasabihin kapag may nakilala kang ganitong klaseng tao. Well, hindi mo naman kailangan pang lumayo sapagkat kung bubuksan mo lang ang iyong tv, siguradong marami kang artista na makikita na puro salamat pod ok. Kahit naman kasi may edad na sila ay nais pa rin nilang maging magandang-maganda sa paningin ng marami.
Ikaw, banidosa ka ba?
Ibig mo bang maging maganda ka palagi sapagkat naniniwala ka na marami ang magmamahal sa’yo dahil sa’yong kagandahan.
Bago mo ipagpatuloy ang iyong pagpapaganda, nais kong ibahagi sa’yo ang istorya ng isang teenager na hindi halos naramdaman na isa siyang kabataan na karapat-dapat din namang hangaan. Kahit kasi mag-make up siya nang mag-make up, hindi mapapansin ang kanyang kagandahan dahil mayroon siyang sakit na lipodystrophy.

Iww…kapag mayroon kang ganitong karamdaman ay magmumukha ka ng matanda kahit teenager ka pa lang. Ang tao kasing may ganitong karamdaman ay nagiging kulu-kulubot ang balat. Tulad na lang  nang nangyari sa tauhan sa artikulo natin ngayon.
Si Zara Hartshorn, 16, mula sa Rotherham, South Yorkshire, ay namana ang sakit na lipodystrophy sa kanyang ina na si Tracey Gibson.
Dahil mayroong lipodystrophy si Zara, hindi naging maganda ang kanyang kabataan. Palagi siyang tinutukso, nililibak. 12 years old pa lamang siya noon pero napagkakamalan na siyang 30 years old at noong tumuntong siya ng 17 years old ay nagmukha na siyang ina ni Chloe, ang nakababata niyang kapatid na hindi nakamana ng sakit na iyon.
Kaawa-awa ang mga taong may sakit na ganito. Hindi lang dahil maaga silang tatanda kundi dahil unti-unti ring nasisira ang kanilang  buto.  Maging ang kanyang kalamnan ay nadadamay.
Kaya naman masasabi ko na napakapalad natin at wala tayong ganitong karamdaman. Kaya makabubuti kung makukontento tao sa kung anong mayroon tayo. Hwag ka na magreklamo kung nangungulubot na ang balat mo. Natural iyon dahil nagkakaedad ka na. Kaya magpasalamat ka na lang ng husto at wala kang karamdamangg ganito.



TEENAGERS NA MAYROONG SURROGATE MOTHER, MAY ATTITUDE PROBLEM

AYON sa pagsasaliksik, ang mga baby na dinala ng surrogate mother ay kalimitang emosyonal at may attitude problem.
Nakalulungkot isipin na ikinasal ka sa lalaking mahal na mahal mo ay hindi ka pa rin nakasisiguro na magiging masaya na ang inyong buhay pamilya. Tiyak kasing magkakaroon kayo ng mga pagsubok. Hindi porke matagal kayong naging magkasintahan ay kilala na ninyo ng lubos ang isa’t isa. Kailangan din namang mag-adjust kayo sa isa’t isa. Ang pinakamatinding pagsubok ng mag-asawa ay ang hindi nila pagkakaroon ng anak.
Alam naman natin na kung mababa ang matris ng babae, hindi siya maaaring ma-stress, kaya , kailangang magpahinga siya ng husto para makabuo. Ang problema nga lang, kung may career ang isang babae, hindi niya basta-basta maiiwan ang kanyang trabaho. Iyon nga lang, may posibilidad na manlamig ang pagsasama ninyong mag-asawa,
O, handa ka bang i-give up ang iyong career para sa pamilya?
Kung sasabihin mong ‘hindi ka sure’, may isa pa namang paraan para magkaroon kayo ng anak na hindi ka naghihirap. Kailangan lamang ay maghanap ka ng isang babae na papayag na siya ang magdadalantao para sa’yo. Sa pamamagitan nito ay hindi ka makararamdam ng paghihirap. IYon nga lang, kailangan mong itanim sa’yong isip na kung may babaeng magdadalantao para sa’yo, hindi magiging perpekto ang iyong   anak.
Kung ang isang babae ay magbubuntis lang para sa’yo ay hindi mo rin magagawang kontrolin ang kanyang emosyon. Tila hindi rin niya pinahahalagahan ang kanyang dinadala. Ang importante lang kasi sa kanya ay ang perang iyong ibabayad.
Hindi man sa kanya ang egg cell na nasa kanyang katawan, my bahagi pa rin na makukuha ang iyong anak sa kanyang surrogate mother. Iyon ay ang kanyang ugali, ang kanyang pagiging emosyonal.
Kapag ang tunay na ina ang nagdala sa kanyang anak, hindi niya gugustuhin na magalit o malungkot dahil alam niya na makakaapekto ito sa kanyang anak. Ngunit, ang surrogate mother ay walang pakialam. Ang importante lang sa kanya ay magawa niya nang maayos ang kanyang trabaho. Palalakihin niya sa kanyang sinapupunan ang anak ng ibang tao. Ngunit, hindi niya ito magagawang alagaan ng buong puso.
O, ikaw, nanaisin mo bang hayaan na dalhn ng kung sinong babae lang ang iyong anak?
Hindi bam as maigi kung ikaw ang magbubuntis para mas maramdaman mo ang pagiging ina.
Kung hindi kasi, maaaring ang inyong anak ay magkakaroon ng attitude problem. Ang mga teenager na mayroong surrogate mother ay pabagu-bago ang ugali. Tila hindi sila marunong magpasensiya kaya sila ay palaaway.








MGA NANINIGARILYO, PUMAPANGIT AT NAWAWALAN NG SILBI SA KAMA

Alam na alam natin na ang paninigarilyo ay magiging dahilan para magkaroon tayo ng cancer sa baga pero marami pa ring mga tao ang matitigas ang ulo, hindi iniintindi ang maaaring mangyari sa kanila.  Kung minsan nga ay hinahamon pa nila ang sakit.
O, hindi ba, may nagsasabi pang, ‘Hindi ako tatablan ng cancer. Matigas yata ito’. Pero sa huli ay mapagtatanto din niya na wala siyang kapangyarihan na awatin si karamdaman na pumasok sa’yong katawan. Ito ay dahil naging pabaya ka rin sa’yong sarili.
Ikaw, ganoon ka ba?
Kung mahal mo ang iyong sarili, siguradong iiwasan mo na ang paninigarilyo dahil ibig mong magkaroon ng mahabang buhay.
Pero, alam mo ba kung ano ang epektibong paraan para makaiwas ang mga banidosa at banidoso sa sigarilyo? Kapag nalaman nila na ang paninigarilyo ay magiging dahilan para ikaw ay pumangit.
Alam mo bang sa labis na paninigarilyo ay maagang kukulubot ang iyong balat. Kaya ang mga babae na gustong magkaroon ng magandang kutis, kailangang itigil na ang paninigarilyo o mas mabuti kung hindi siya maninigarilyo. Kailangan ding malaman ng mga kalalakihan na ang paninigarilyo ay magiging daan para mawalan ka ng gana sa sex. Dahil dito ay hindi mo mapapaligaya ang iyong partner.
O, nais mo bang maging pangit?
Nais mo bang mawalan ng silbi sa kama?
Ayon sa pagsasaliksik, ang masamang epekto ng paninigarilyo ay hindi agad eepekto sa’yong katawan. Kung 13 to 36 ka pa lang ay wala ka pang sakit na mararamdaman dahil malakas pa ang resistensiya mo ngunit habang tumatanda ang tao ay mararamdaman mo na ang  resulta ng pagiging addict mo sa sigarilyo. At sa pagsapit mo sa 50, ay makakaramdam ka na ng panghihina. Hindi lamang ang cancer sa baga ang maaari mong makuha, maging ang cancer sa lalamunan.
Ilang taon ka nab a?
Kahit bata ka pa lamang, siguradong may kakaiba ka ng nararamdaman sa’yong katawan ngunit binabalewala mo lang. Sige, humarap ka sa salamin, itanong mo, pumapangit ka ba? Nanghihina ka bas a sex?

Kung ganito ang nararamdaman mo, ipagpapatuloy mo pa ba ang paninigarilyo? 

Para bumaba ang bilang ng nagpapakamatay… Paggamit ng social networking sites, the best na solusyon

SABI sa aking pagsasaliksik, maaawat ang mga teenager sa kanyang pagpapakamatay kung lagi siyang gumagamit ng FB, Twitter at kung anu-ano pang social networking sites.

Wala naman ‘yang ginawa kundi mag-FB at mag-Twitter, ito ang kalimitang reklamo ng mga magulang sa kanilang anak, sabay iling. Kung minsan kasi dahil sa maghapon nilang pagbababad sa computer ay nakakalimutan na nilang mag-aral mabuti. Kaya, kalimitan ay nagsisipagbabaan ang kanilang mga marka. Ngunit, kahit ganoon, may kabutihan pa ring dulot ang pag-i-FB o pagtu-Twitter. Sa pamamagitan kasi nito ay hindi na maiisipan pa teenager ang pagpapakamatay.
Alam na alam natin na ang sa pamamagitan ng social media sites ay nagagawa nating mailabas ang galit at sama ng loob natin. Maging an gating mga kabiguan. Sa pamamagitan noon ay mababawasan ang paghihirap ng kalooban natin. Iyon nga lang kapag sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman natin, hindi natin maiwasan na maisipan na tumalon na lamang sa tulay o kaya ay mag-suicide.
Kung minsan kasi ay sobra tayong nagiging emosyonal. Pakiramdam natin ay hindi na masosolusyunan pa ang ating problema. Kaya naman, ibig na lang natin itong takasan. At kung minsan ay pagpapakamatay na lang ang naiisip nating solusyon. Pero, sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik sa Ohio state University, in Columbus, U.S.,, ang paggamit daw ng social media sites ay nakakatulong para mabago ang isip ng teenagers na magpakamatay.
Dahil nga magagawa mong maisigaw sa Wall mo ang iyong nararamdamang galit at sakit, at ang plano mong pagkakamatay, siguradong marami ang magku-comment sa’yong post. Karamihan sa mga ito ay magsasabing walang mangyayari kung sasayangin mo ang iyong buhay sa isang walang kuwentang problema. 
Ang karaniwan naman kasing problema ng teenagers ay lovelife, financial at family problem,, kaya naman agad siyang mapapayuhan ng friends niya sa mga social networking sites, sigurado na unti-unti siyang makakaramdam ng paglilinaw ng isip. Kaya, makabubuti rin na naibubulalas ng isang teenager ang kanyang nararamdaman. At least sa pamamagitan nito ay malalaman natin na mayroon taong kapamilya o kaibigan na sobrang down na down.




PAGSUSUOT NG BRA NA DI AKMA, DAHILAN NG KUNG ANU-ANONG KARAMDAMAN

ANG pananakit ng ulo, IBS(Irritable bowel syndrome), rashes, hernia at tendonitis ay resulta  ng pagsusuot mo ng bra na hindi akma sa’yo, ayon sa pagsasaliksik.
Hindi natin maiwasan ang mapabuntung-hininga kapag napagtanto natin na mali pala ang bra size na nabili natin. Gayunman, wala na tayong ibang choice kundi ipagpilitan na isuot ang bra na ‘yun. Katwiran pa natin, sa umpisa lang naman iyon magiging masikip dahil luluwag din ‘yun matapos ang ilang araw.
Hay naku, kung ikaw ay nagsusuot ng masikip na bra, kailangan mong basahin ang artikulo na ito. Dapat mo kasing malaman na manganganib ang iyong kalusugan.
Sabi nga ng health experts katakut-takot na sakit ang iyong mararamdaman kapag nagsuot ka ng masisikip na bra. Kung sobrang higpit nito ay parang maaawat na rin ang pagdaloy ng iyong dugo. Dahil dito ay magkakaroon ka talaga ng rashes. Idagdag pang maaari kang magkaroon ng hernia at tendonitis. Ang hernia ay magiging dahilan para maging mahina ang wall muscle, tissue at membrane: ang tendonitis naman ay ang pamamaga ng litid.
O, gugustuhin mo bang magkaganito?
Bukod sa papangit na ang iyong balat makakaramdam ka rin ng hapdi, lalo na’t magkakasugat-sugat ang iyong balat sanhi ng mahigpit na bra. O, nais mo bang magkaganito ka? BUkod nga sa rashes at sugat ay maaari pang maapektuhan ang iyong tindig.
Kung maayos kasi ang suot mo, siguradong tuwid na tuwid ang iyong paglakad. Samantalang kung masikip ang kanyang suot na bra ay siguradong nakakuba siya kung maglakad. Hindi na okay ang posture mo, maaari pang maapektuhan ang iyong internal organs.
Sabi ng eksperto, dahil hindi inia-adjust ang pagsusuot ng bra, maaapektuhan ang iyong siaphragm. Kung ikaw ay maghapon lang na nakaupo, siguraso na magiging dahilan ito para mahirapan kang huminga, magkaroon ka ng digestion problems at irritable bowel syndrome. Madalas pa na sasakit ang iyong ulo.
Kung ayaw mong makaranas ng ganitong mga sakit, tanungin mo ang iyong sarili, akma ba sa’yo ang suot mong bra?
Kung alam mong hindi, makabubuti kung papalitan mo ‘yan.





PAGPAPAHIGOP NG TABA BAGO MAGBUNTIS, PARAAN PARA HINDI MAGKAROON NG ANAK NA MATABA

SABI ng mga mananaliksik, ang mga matatabang mommy na sumailalim sa weight loss surgery o nagpahigop ng taba ay magkakaroon ng anak na payat.
Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga, ito ang madalas sabihin ng marami. Kaya naman kung makikita ng isang tao ang bata ay agad na siyang magkakaideya kung ano nga ba ang kanyang ina. Kung ang mommy ng isang bata ay dating mataba, ang agad na iisipin ng marami ay magiging mataba rin siya.
Yes, maaari ngang totoo ito ngunit kailangan pa rin nating isipin na hindi naman lahat ay mamamana ng tao sa kanyang mommy, maaari naman kasing makaligtas siya dahil siya ay nagmana sa payat niyang daddy.
Ikaw, mommy, mataba ka ba?
Huwag kang mag-alala mommy, kahit na noong kabataan mo ay matabang-mataba ka, hindi pa rin nangangahulugan na magkakaroon ka ng matabang anak. Maaari naman talagang hindi ka magkaroon ng matabang anak lalo pa’t ikaw ay nagpasipsip ng taba.
Sabi kasi ng mga eksperto ay hindi na magkakaroon ng matabang anak ang mommy na nagpasipsip ng taba, paano’y naapektuhan ng husto ang kanyang genes noong sumailalim siya sa ganitong klaseng surgery.
Ito ang dahilan kaya naman kahit naging matabang-mataba ang ina noon ay hindi ito namana ng kanyang anak. Kaya naman kung iyong titingnan ay mayroong magkakapatid na tila hindi pare-pareho ang sukat. Mayroong mata at mayroon namang payat na payat. Nagawa na kasing maapektuhan ang kanyang dugo. Kumbaga, iba na ang timpla niya dahil nagawa ng mahigop ang taba ng ina niya noong ito ay sumailalim sa pagpapapayat.
Ang mga matatabang mommy ay mayroong mataas na sugar sa kanilang katawan kaya naman kung mataba siya habang siya ay nagbubuntis ay maaaring maging obese din ang kanilang anak. Ngunit, hindi na ito mangyayari sa’yong baby kung nagawa mo ng pagpa weight loss surgery.

O, mataba ka ba?

Kumpara sa mga freelancer… REGULAR EMPLOYEE, PATABA NANG PATABA

AYON sa aking pagsasaliksik,  ang pagtatrabaho ay nakakataba.
Para magkaroon tayo ng magandang buhay, kinkailangan nating magtrabaho ng walong oras sa isang araw o 5 beses isang linggo. Kung minsan nga ay higit pang oras an gating iginugugol lalo na’t mayroon kang pamilya. Siyempre, magagawa mo lang silang bigyan ng magandang buhay kung pagbubutihin mo ang iyong ginagawa. Maari kasing tumaas ang iyong sahod o malagay ka sa magandang posisyon kapag nakita ng boss mo na masigasig kang magtrabaho.
O, sobra-sobra ba ang dedikasyon mo sa’yong trabaho? Aba, kahanga-hanga naman talaga kung ganu’n ka. Ngunit, bago ka magtrabaho nang magtrabaho kailangan kong ipaalam sa’yo ang isang katotohanan, ayon sa mga mananaliksik. Ang mga regular employee ay mas tumataba kaysa sa mga freelancer.
Ang mga freelancer ay walang boss na kailangang sundin palagi. Sarili nila ang kanilang oras kaya naman mas nagagawa nilang gawin ang anuman ang kanilang naisin. Samantalang ang mga nagtatrabaho sa isang kompanya ay malaki ang tsansa na tumaba nang husto dahil ang oras nila ay naiibos sa pagtatrabaho. Palagi lang silang nakaupo. Kung minsan nga ay hindi na sila halos tumatayo. Ang importante lang sa kanila ay may laman ang kanilang sikmura. Kaya madalas ay makikita mong may  nakahain sa kanilang harapan. Kadalasan nga ay puro lang sitsirya ang makikita mong naroroon.
Sa pagsasaliksik nga ay napagtanto na ang pagkain ng sitsirya ay nakakataba kaya naman kung lagi silang kumakain noon, tataba sila nang tataba hanggang sa maging lumba-lumba na sila. Kung ang isang tao naman ay freelancer lang ay magagawa pa niyang makapagluto o makakain ng masustansiyang pagkain dahil may panahon silang gawin iyon.
Bukod pa roon ang mga empleyado ay kalasang dinadalha din ng kung anu-anong pagkain mula sa kanilang kasamahan, boss o kliyente. Kaya naman kahit nakakaramdam pa sila ng kabusugan ay napipilit pa rin silang kumain. Sabi nga, mahirap tumanggi sa grasya.
O, isa ka bang empleyado? Tingnan mo nga kung tumataba kang talaga.





DRYER, SANHI NG KARAMDAMAN AT IMPEKSYON

AYON sa aking pagsasaliksik, mas okay gamitin ang paper towels kaysa sa dryer.
Kung magpupunta tayo sa mall, restaurant o anumang establisyemento, ang dryer at paper towels ang agad natin makikita sa CR. Obviously, ang layunin nito ay upang mapatuyo ang basa natin mga kamay.
Ikaw, ano ang gagamitin o kukunin mo kapag basa ang iyong kamay?
Para sa mga kabataan, mas nakaka-enjoy kung itatapat mo ang iyong kamay sa dryer dahil magagawa mong maramdaman ang ibinubuga niyang init. Dahil doon ay makikita mo pang unti-unting natutuwa ang basa mong kamay.
Amazing! Ang katagang ito pa ang siguradong ibubulalas ng kabataan. Feeling kasi nila ay may magic na nangyari kaya bigla iyong natuyo.
Kahit na mas marami ang gumagamit ng dryer, kailangan pa rin nilang mapagtanto na ang paggamit ng paper towel o tissue paper ay mas mainam kaysa sa paggamit ng dryer, ayon sa aking pagsasaliksik. Ang dahilan, mas matatanggal ang germs na nakakapit pa sa kanyang kamay.
Kung minsan, kahit na nahugasan at nasabon na natin ang ating kamay, hindi pa rin sapat na dahilan ito para matanggal ang lahat ng germs. KUmbaga, mayroon pang germs na hindi pa nadudulas ng husto. Kaya kung hindi gagamitan ng paper towel o tissue paper ang ating kamay, hindi siya tuluyang mawawala.
Kung ang dryer lang ang ating gagamitin ay possible pang siya ay makakapit ng husto at maging simula para ikaw ay dapuan ng karamdaman. Siguro naman ay alam mong kapag ang kamay mong mayroon pang bacteria ay isinubo mo, maaari kang magkasakit.
“Sa pamamagitan ng dryer, maaari pang tumaas ang 255 percent ang pagdaluhong ng germs sa’yong kamay,” wika ni Keith Redway, senior academic sa Microbiology and Molecular Biology sa Westminister University.
O, nanaisin mo bang magkaroon ng karamdaman? Tiyak kong sasabihin mong ‘hindi’, kaya maigi pang ugaliin mo ang paggamit ng paper towel.
Sabi nga ng biomedical scientist na si Cunrui Huang, mas kumakapit ang mikrobyo kapag basa ang kamay. Kaya, kailangang ugaliin na magpupunas ng kamay kapag basa.
Kung minsan pa nga raw, maaari ka pang magkaroon ng impeksyon kapag dryer ang ginamit mo. Kung ang kamay mo ay mayroong sugat, kahit gaano kaliit, maaari ‘yang pasukan ng bakterya kung itatapat mo lang ‘yan sa dryer.
O, anong gagamitin mo, dryer o paper towel?







MGA NAKAPUWESTO SA GAWING BINTANA, MAS ALERTO AT MASAYAHIN

AYON sa pag-aaral, ang empleyado na nasa tabi ng bintana ay mas alerto at masayahin kaysa sa nasa gitnang bahagi ng opisina.
Importante sa bawat empleyado na ituon ang kanyang 100% sa pagtatrabaho.  Posible kasing kapag nawala ang atensyon niya rito ay pumalpak na rin ang kanyang trabaho. Kung mangyayari iyon ay maaari ring  mawala ang tiwala ni bossing.  Kaya, kailangan mong mahalin ng todo ang iyong trabaho.
Paano mo nga ba ito magagawa?
Sapat na nga ba iyong nakatuon ka palagi sa’yong ginagawa?
Hindi.
Importante rin siyempre na marunong kang makisama. Kung hindi ka man lang ngumingiti sa mga kasamahan mo sa trabaho, siguradong kaiinisan ka nila. Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na may kinalaman din pala ang puwesto mo sa’yong opisina. Kung ikaw daw ay nakaupo sa may bintana ay mas masayahin ka at mas alerto kumpara sa mga co-employees mo na nakapuwesto sa gitnang bahagi ng inyong opisina. Kalimitan nga sa mga nakaupo sa gitnang bahagi ng opisina ay laging nakasimangot at hindi kumikibo.
Alam mo ba ang dahilan nu’n?
Ang mga nakapuwesto sa gitnang bahagi ng opisina ay laging nakatuon sa kanyang computer kaya  kadalasan ay nananakit ang kanilang mata at ulo dahil sa radiation. Ang liwanag lang na nakukuha nila ay nagmumula sa ilaw samantalang ang mga nakaupo naman sa gawing bintana ay natatamaan ng init na nagmumula sa sinag ng araw. Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na kapag naaarawan ka ay nakakatulog ka ng mahimbing, gaganda ang iyong mood at ang bawat ginagawa mo ay sisikapin mong maging ‘the best’. Kung maganda ang iyong mood, sigurado ako na makukuha mo pang makipagkuwentuhan sa mga kaibigan mo kapag breaktime. Samantalang ang nasa gitnang bahagi ng inyong opisina ay wala halos sa mood dahil hirap silang makatulog sa gabi dahil artificial light lang ang tumatama sa kanya. At labis din iyong nakakaapekto sa kanyang trabaho at pakikisama, kalimitan kasi sa mga taong wala lagi sa mood ay mahirap biruin kaya pirming iniiwasan.
Sabi nga ng Oxford University neuroscientist na si Russell Foster, ang tao ay nagkakaroon ng happy hormone kapag siya ay nasinagan ng araw.
Sa mga pumapasok sa opisina, hindi na sila halos tinatamaan ng init ng araw dahil karaniwang alas-otso ang kanilang pasok. Kung malayo ang kanilang bahay sa kanilang opisina, siguradong maagang-maaga ang kanilang biyahe kaya bago pumutok ang araw ay nasa loob na sila ng kompanya na kanilang pinagtatrabahuhan. Sabi nga sa mga pag-aaral, maganda sa katawan ng tao ang pang-umagang init ng araw. Kung kahit katiting ay hindi na sila nasisinagan ng init ng araw, tiyak na mahihirapan din silang makatulog.
Hirap ka bang makatulog? Subukan mong maglakad ka ng kahit kalahating oras sa umaga para matamaan ka ng init ng araw. Iyon nga lang, papayag ba si bosing na ma-late ka?
Kaya, masasabing, napakalaki ng advantage na nakapuwesto ka tabi ng bintana.
O, saan ka ba nakapuwesto?


Alagang hayop, maaaring magkaroon ng cancer

AYON sa pagsasaliksik, ang mga alagang hayop ay maaaring magkaroon ng cancer dahil sa paninigarilyo ng kanyang amo.
Alam natin na ang paninigarilyo ay masama sa ating kalusugan ngunit kahit anong awat ang gawin ng mga tao sa kanilang  paligid, hindi ito magawang tigilan ng iba. Pakiramdam nila ay  kulang na kulang ang kanilang araw kapag hindi hindi siya nakakahithit ng sigarilyo.
Ikaw, mahilig ka bang manigarilyo?
Siguro naman ay alam mong, hindi lamang ang kalusugan mo ang nasisira, maging ang mga tao na nasa iyong paligid? At sa aking pagsasaliksik, napagtanto ko na kahit pala ang hayop ay maaaring magkasakit kung nanionigarilyo ang kanyang amo.
Alam na alam natin na ang aso ay ‘man’s bestfriend’ kaya lagi itong nasa tabi ng amo at ang mga pusa naman ay laging nakakandong o nasa paanan ng kanyang amo kaya hindi posibleng nagagawa niyang langhapin ang usok na nagmumula sa kanyang sigarilyo.
Kung minsan, kahit may sigarilyo na hinihithit ang amo, nagagawa pa rin niyang kargahin at lambingin ang kanyang alaga. Hey, kahit naman hayop ‘yan ay mayroon din silang ulong at baga. Maaari rin silang magkaroon ng lung cancer. Sabi nga, kapag mas maliit ang hayop ay mas sensitibo sila sa usok.
Sa pag-aral nga ng Tufts University na matatagpuan sa U.S., ang pusa na naninirahan sa mga chain smoker ay nagkaroon ng feline lymphoma, isa itong cancer sa dugo at immune system.
Ang usok kasi ng sigarilyo ay kumakapit sa balahibo ng hayop kaya kahit na hindi mo na siya karga ay malaki ang posibilidad na hikain siya roon o kung hindi naman ay magkaroon siya ng iba pang sakit. Kaya sana, pangalagaan mo ng husto ang iyong alaga. Hindi maaaring makukontento ka na lang na pinapakain at pinaliliguan siya. Intindihin mo din sana ang kanyang kalusugan.
Alalahanin mo, hindi siya makapagrereklamo na nahihirapan na siyang huminga dahil sa labis mong paninigarilyo.


PAGKAIN NG CHEESE, PARAAN PARA MAIWASAN ANG TOOTH DECAY

Ang pagkain ng cheese ay mabisang paraan para maiwasan ang tooth decay, ayon sa pagsasaliksik.

Help! Ito ang sigaw natin kapag masakit na masakit ang ating ngipin. Kaya, kadalasan hindi natin mapigilan ang maluha o maiyak dahil parang binabarena ang ating ulo. May nerve ang ating ngipin na nakakonekta sa ating ulo kaya parang hihimatayin tayo sa sakit kapag nagkadiprensiya ang ating ngipin. Kung hindi tayo makakainom ng gamot ay hindi tayo makararamdam ng kaginhawahan. Ngunit, pansamantala lamang iyon. Kailangan talaga nating magpunta sa dentista para mapastahan, ma-root canal o mabunot ang sumasakit nating ngipin.
Kung may pera ka ay madali lang magpa-appointment, ngunit, hindi lagi na mayroon tayong ekstra na pera sa ating bulsa. Sa mahal ng bilihin, siguradong mahihirapan tayong mag-budget. Maliban na lamang kung malaki ang sahod mo, mayroon kang sideline at mayroon kang kapamilya na laging naririyan para damayan ka. Pero, kahit na may pera ka, mas makabubuti kung hindi na lamang natin pababayaan na magkaroon tayo ng toothdecay.
Isipin na lamang natin na kapag may sira ang ating ngipin ay marami ang mapapa-‘yuck’, mawawalan ka ng self-confidence. Samantalang kung alam mo na mapuputi at matitibay ang iyong mga ngipin ay marami ang hahanga sa’yo.
Gusto mo ba iyon?
Kung sasabihin mong ‘yes naman’, maiging gawin mo ang lahat ng paraan para mapanatili mong maganda at malusog ang iyong ngipin. Sa artikulo natin ngayon, ay bibigyan kita ng tip kung paano maiiwasan ang magkaroon ng tooth decay. Sa akin kasing pagsasaliksik, napagtanto ko na hindi lang sa regular na pagtu-toothbrush maiiwasan ang nakadidiring tooth decay. Ang pagkain din ng cheese ay nakatutulong para mabawasan ang posibleng pagbuo ng cavity sa’yong ngipin dahil tinatanggal nito ang plaque acid. Ang plaque acid ay mistulang asido na sumisira sa’yong ngipin kaya kinakailangan din ng palagiang pagsesepilyo at pag-inom ng tubig.
Sabi nga ng mga mananaliksik, ang cheese ay mayroong alkaline na humahalo sa’yong laway kaya naman kung palagi kang kumakain nito ay mababawasan ng husto ang pangangailangan mong magpunta sa dentista. Kung mataas kasi ang ph level (more alkaline) sa paligid ng iyong ngipin, mas mapuprotektahan nito ang iyong ngipin laban sa dental erosion na idinudulot ng cavities o tooth decay.

O, parati ka bang kumakain ng cheese? 

PAGPUPUYAT, NAKAKABAOG

AYON sa pagsasaliksik, kapag kulang sa tulog ang lalaki ay maaari siyang mabaog.
Para sa  isang lalaki, ang anak ay isang trophy. Pakiramdam niya ay may silbi siya sa mundong ito kung magkakaroon siya ng junior o prinsesa. Kaya naman kung minsan kahit anak lang nila ito sa pagkabinata ay mahal na mahal pa rin nila ito. Maliban na lang siguro kung ang isang lalaki ay masasabing walang kuwenta, na walang ibang mahal kundi ang kanyang sarili. Gayunman, sa pagdating ng tamang panahon ay siguradong mari-realize din nila ang kanilang pagkakamali.
O, gusto mo bang magkaanak?
Hindi naman kasi porke gusto mong magkaanak ay magkakaanak ka na. Siyempre kailangan mo rin munang magplano. Sino ba ang magiging ina ng iyong anak? Handa ka na ba talagang maging ama? Nakalulungkot lamang isipin na kahit na gustung-gusto mong maging ama, pupuwedeng hindi ito matupad kung parati kang magpupuyat.
Sa pag-aaral kasi ay napagtanto na kapag kulang sa tulog lalaki ay maaaring bumaba ang kanilang spermcount. Kaya naman kung ang isang binatilyo ay mahilig magpuyat dahil nais nilang parting magkaroon ng kanilang night life o mayroon silang insomia, maaaring manganib ang kanilang sperm count. Sa pamamagitan noon ay mapupurnada ang ambisyon nilang magkaroon ng kung ilang anak.
O, mahilig ka bang magpuyat?
Kung nais mo na magkaroon ng malusog na katawan, hinding-hindi mo nanaisin na magpuyat. Kung sa palagay mo ay hindi ka makatulog, makabubuti na ipikit mo na lamang ang iyong mga mata ay mahiga. Tiyak naman na darating din ang oras na makakatulog ka.
Samantalang kung babangon ka sa’yong higaan at manonood ng TV, mahihirapan ka na talagang makatulog. Kung ganoon ka parati, aba, magkakaroon ka na ng unhealthy life style. Kung masasanay kasi nang masasanay ang katawan mo na  kulang ka sa tulog, tiyak na kahit gustuhin mong matulog ng maaga ay hindi mo na magagawa.
Sabi nga, hindi naman porke ngayon ka nagtanim ay ngayon ka rin aani. Siyempre, magbibilang ka pa ng mahabang panahon bago mo ma-realize na mali ang ginawa mong pagpupuyat.
Sana ang mga teenagers ngayon ay hindi balewalain ang ganitong pag-aaral, tiyak kasi na sa huli ay pagsisisihan din nila ang masyado nilang pagpupuyat. Makabubuti talagang may oras sa pagtulong para fresh lagi ang iyong utak at pakiramdam.

O, nagpupuyat ka ba? 

PACIFIER, PARAAN PARA MAHINTO PAGHILIK

NAKAKARINDING pakinggan kapag ang katabi natin sa pagtulog ay grabe kung humilik. Pakiwari kasi natin ay may katabi tayong sasakyan. Kasing ingay ng tambutso ang kanyang bunganga. Kaya naman sa huli ay mapapabalikwas na lang tao nang bangon. Gustuhin man nating matulog, tiyak na mahihirapan tayong magawa iyon dahil sa ingay ng kanyang bunganga. Kung minsan naman naman ay himbing na himbing na tayong natutulog, magugulantang pa tayo sa halik ng ating katabi.
Ganoon ba ang iyong mister o misis?
Kung sasabihin mong ‘oo’ siguradung iritadung-iritado ka na sa kanyang paghilik. Baka nga panay na ang hugot mo nang malalim na buntung-hininga kinabukasan. Tiyak kong ibig mo na siyang sigawan o awayin dahil hindi ka niya pinatulog.
Naku, kung mainitin ang kanyang ulo, baka hindi niya magustuhan ang paraan mo ng pagkakasabi na sobra siyang makahilik. Kaya, mas maiging bago mo ibulalas sa kanya ang mga kataga, mag-isip ka muna ng kung ilang libong beses.
O, kaya naman sa halip na magalit ka agad ay mahinahon mong sabihin sa kanya ang problema. Pagkatapos ay sabay kayong maghagilap ng solusyon upang hindi ka na mairita sa kanyang paghilik. Kasabay noon ay matutulungan mo pa siya siya. Alam naman natin sa labis na paghilik ng isang tao ay maaaring maapektuhan an gating puso. Kaya may tendensiya na bigla na lang tumigil ang tibok ng ating puso dahil sa paghilik.
Kaya naman, maigi talagang basahin mo ang artikulo na ito. Sa pamamagitan nito ay sigurado akong matutulungan kitang masolusyunan ang problema ng iyong asawa sa kanyang paghilik.. Iyon nga lang, kailangan niyang magmistulang sanggol.

Ang ibig kong sabihin, kinakailangan niyang gumamit ng isang instrumento na maihahalintulad sa pacifier. O, mas tamang sabihin na pinalaking bersyon ng pacifier. Mayroon din kasing tsupon na nakalagay dito at mayroon ding pabilog na plastic na mayroong handle. Siyempre iyon ay pampigil para hindi niya malunok ang instrumentong iyon. Ang tsupon naman noon ay ang nagsisilbing takip ng bunganga  upang hindi natin marinig ang nakakairitang hilik n gating partner.
Kaya naman kailangang bago matulog ang iyong partner ay ipasubo mo ito sa kanya upang sipsipin na lang niya ang tsupon. Sa pamamagitan nito ay siguradong magiging kampante tayo na hindi mapapahamak ang ating asawa sa kanyang pagtulog. Sabi nga may posibilidad na tumigil ang kanyang paghinga sa labis na paghilik.
O, kailangan ba ng partner mo na gumamit nito?
Kung kailangan mo rin nito, huwag ka ng mahiya. Ang importante ay malayo ka sa kapahamakan.





PAGTAKBO ng nakapaa, sanhi ng putul-putol na buto o broken bones sa paa, ayon sa pagsasaliksik.
Sa pamamagitan ng pagtakbo o pagja-jogging ay natutunaw an gang ating mga kinain kaya naman ang resulta nito ay magkakaroon tayo ng magandang pangangatawan. Kung pipiliin mo lang kasi na maupo maghapon sa harap ng computer o sa TV ay hindi matutunaw ang mga pagkain na nakaimbak sa’yong tiyan. Kaya naman ang mangyayari ay tataba ka ng husto.
O, gusto mo bang mangyari sa’yo iyon?
Kung ibig mong maging physically fit ay tiyak ko na gugustuhin mong mag-jogging ng husto. Kung minsan nga ay sumasali ka pa sa mga running contest. Malaki rin ang pagnanais mo na magkaroon ng finisher medal o kaya ay makakuha ng gintong medalya. Ngunit magagawa mo lamang iyon kung  magsasanay ka nang magsasanay sa’yong pagtakbo.

Kadalasan nga sa pagsasanay mo ay inaalis mo na ang iyong tsinelas. Pakiwari mo kasi ay mas okay ang tumakbo kapag ikaw ay nakayapak.
Ganoon ka ba?
Kung hilig mo nga ang tumakbo ng nakayapak, kailangan mong malaman ang maaaring samang idudulot nito sa’yong paa. Sa pamamagitan ng artikulo na ito ay maaari na kitang mabalaan kung ano ang mangyayari sa pagtakbo mo nang nakayapak.
Ayon kasi sa mga mananaliksik sa  Brigham Young University sa U.S ay maaaring magkaroon ka ng broken bones sa’yong paa kung makakaugalian mo ang pagtakbo ng nakayapak. Dahil nga walang sapin ang iyong paa ay walang puproteksyon sa’yo kapag ikaw ay nakatapak ng bubog o anumang matatalim na bagay kaya naman sa pamamagitan nito ay maaaring kang masugatan. Masaktan at kalaunan ay magkaroon ka ng broken bones.
Hindi naman siguro kaila sa’yo na ang simpleng sugat ay maaaring maging impeksyon. At kapag ang matalim na bahay ay bumaon sa’yong talampakan ay maaaring maperhuwisyo ang iyong buto na magiging dahilan para ito ay magkakabasag-basag.
O, nanaisin mo bang mangyari iyo sa’yo?
I am sure na ‘hindi’ ang iyong isasagot kaya ngayon pa lang ay kailangan mo ng pakatandaan na walang mabuting idudulot ang pagtakbo mo ng nakayapak.





Martes, Agosto 27, 2013

Calling All Writers!

Great News! We can help you to be successful in your chosen career. You don’t need to have laptop to search for the steps on how to become a great essay writer. If you have an ipad, we have the best solution for you. All you need is to download an application called Essay Starter.
Writers are very creative. But, you need to be effective writer if you want to become famous.
Yes, you can be famous. And you can be like your favorite author. Or maybe you can beat them.
Just believe in yourself and I assure you that you can be like them. But, of course you need to work hard for it. If you think that you are already imaginative and creative we are offering a service that will help you to be on top.

For only $0.99 you can be the best.
The application Essay Starter has documents that can help you to make your writings become easy. You don’t need books because at this application you have the access for the references. Footnotes will automatically appear. All you have to do is write, write and write.
Practice makes us perfect, this is the motto that I truly believe in but we need to have more knowledge in everything we want. If you want to be a writer, learn more tips and tricks. You must know the formula to become great writer and Essay Starter will give you all the information you need. They also allow you to open and read multiple PDF files and take note at the same time.

Wow, this is terrific opportunity for students, professionals and bloggers.  So, what are you waiting for, download it now!   

Lunes, Agosto 12, 2013

OPERASYON SA PROSTATE, DAHILAN NG PAGLIIT NG ‘MANOY’

AYON sa pag-aaral, ang treatment sa prostate cancer ay nagiging dahilan para lumiit ang ‘manoy’ ng isang lalaki.
Pagpipigil sa pag-ihi, labis na pag-inom at namana sa magulang o ninuno ang ilan sa dahilan kaya nagkakaroon ng prostate cancer ang isang lalaki. Kung hindi ito maoopera o magagamot, ay maaaring lumala ang kanyang karamdaman na magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Kaya naman, wala ng iba pang pagpipiliin ang isang lalaki kung magpagamot o magpaopera.
Dahil sa ayaw ng lalaki na maagang kaharapin si kamatayan, lahat ng paraan ay kanyang gagawin para madugtungan ang kanyang buhay. Hinding-hindi siya papayag na iwanan ang kanyang asawa at mga anak. Ito ang dahilan kaya nilalabanan niya ang takot na magpaopera. Ang tanging iniisip na lamang niya ay magiging ligtas siya kapag naisagawa na ang operasyon at susundan pa ng paggagamot.
IYon nga lang, lahat daw ng bagay ay mayroong epekto sa tao. Ayon kasi sa pagsasaliksik at sa mga  karanasan na rin ng ilang lalaki na nagpaopera at naggagamot ng kanyang prostate cancer, naaapektuhan ang kanilang pagkalalaki kapag sila ay naoperahan o ginagamot ang kanilang prostate cancer.
Sabi nga ng ilang mga doctor, marami ngang lalaki ang nagrereklamo sa kanila matapos  sumailalim ang mga ito sa operasyon . Sabin g mga ito, napansin ng mga ito na lumiit ang kanilang ‘manoy’ at ang mga lalaki naman na naggagamot pa lamang ay napansin ng nababawasan ang kakayahan sila sa pagtatalik.
Kung dati ay masasabi ng masasabi ng mga babae na ‘you are great’ matapos niyang magpaopera o habang naggagamot ang ibubulalas ng babae ay ‘anyare’. Bilang lalaki ay nakakaramdam sila ng pagkapahiya kapag napipintasan sila. Kaya naman hindi nila mapigilan ang magreklamo sa mga doctor. Pakiramdam kasi nila ay ang mga ito ang may kasalanan kung bakit naging ganoon sila.
Ganoon din ba ang pakiramdam mo mula ng magpaopera ka?
Ayon naman kasi sa mga dalubhasa, maaari talagang maapektuhan ang sex drive ng lalaki kapag siya ay nagpaopera at naggamot ng prostate cancer, maaari kasing may masirang nerve at tissue habang sila ay inuoperahan o ginagamot na sadyang makakaapekto sa kanilang kakayahan na makapagpaligaya ng babae.



Salamin na makaka-detect ng anumang sakit na iyong nararamdaman

DAHIL sa tambak ang ating trabaho at iniisip, madalas tayong nakakaramdam ng pagkahilo. Kaya naman kung hindi natin mababalanse ang ating katawan, sigurado na matutumba tayo. At kung sakali na babagsak tayo sa marmol, siguradong magkakaroon ng malaking disgrasya. Maaari tayong mapilayan at kung ulo ang babalibag sa semento, hindi lang bukol ang maaaring mangyari sa atin.
Nanaisin mo pa bang mangyari ito sa’yo?
Sa aking palagay, ‘hindi’ ang agad mong isasagot. Wala naman kasing tao na gugustuhing madisgrasya kaya kung maaari nga lang lahat ng pag-iingat ay kanyang gagawin. Tila napakaimposible lang na mangyari iyon  kung napapabayaan mo na ang iyong sarili. Kung minsan kasi ay wala kang ibang naiisip kundi ang magkaroon ng maraming salapi. Sa pamamagitan kasi nito ay mabibigyan mo ng magandang buhay ang iyong pamilya.
Ngunit, paano naman mangyayari ito kung bigla ka na lang magkaroon ng karamdaman. Ah, maiging basahin mo ang artikulo na ito dahil sa bagong imbensyon na makakatulong sa’yo para maging masigla ka sa lahat ng oras.
Dahil sa laging napapagod ang ating mata ay may tendensiya na manlabo agad ito lalo na kung pirmi kang nakatitig sa computer at video games. Sa labis kasing pagtatrabah at paglalaro, binabalewala natin ang sakit na nararamdaman n gating mata. Hanggang sa huli ay mapagtatanto natin na Malabo nap ala an gating mata.
Huwag mo sanang pabayaan ang iyong mata dahil kung manlalabo ito ay marami ka ng hindi magagawa. Napakaimportante ng paningin kaya kailangang lagi malinaw an gating mata.
Hay, mabuti na lang at mayroon ng high tech glasses na iniimbento. Hindi lang ito makakatulong para luminaw ang iyong mga mata. Sa pamamagitan nito ay  makarinig ka nang maayos, makatulog ka ng sapat at laging may sigla. Sa pamamagitan noon ay magiging okay na okay ang pakiramdam mo kahit na maghapon kang nasa trabaho.
O, nanaisin mo bang magkaroon nito?
Sabi nga ni Dr. Frank Eperjesi, head of optometry sa Aston University,  na matatagpuan sa Birmingham. Kapag malinaw ang mata ng isang tao ay magiging masigla ang kanyang katawan. Siguro naman ay alam mo na ang mata ng tao ay nakakunekta sa kanyang utak. Kapag nanlalabo ang iyong mga mata, may tendensiya na sumakit ang iyong ulo.
Kaya, huwag mo na naisin pang mangyari iyon.
Ang kailangan nga ay magkaroon ka ng salamin na ito dahil ang lente nito ay makakahagilap din ng kung anu-ano pang sakit na mararamdaman ng ating katawan.





Linggo, Agosto 11, 2013

2 HANGGANG 3 TASANG KAPE LANG SA ISANG ARAW DAPAT PARA MAS HUMABA ANG BUHAY

NATUKLASAN ng mga scientist na ang pag-inom ng tatlong tasang kape kada araw ay nakapagpapahaba ng buhay.
Ang caffeine ay masama sa kalusugan ng isang tao, ito ang paniniwala ng marami. Totoo naman iyon ngunit kung ang caffeine o pag-inom ng kape ay sosobra, ito ang pahayag ng mga mananaliksik. Pero kung ang ibig mo ay tamang-tama lang sa’yong katawan, tatlong tasang kape lang ang inumin mo sa bawat araw.
Sabi nga ni Dr Neal Freedman, mula sa  National Cancer Institute na matatagpuan  sa  United States, ang pag-inom ng 2 hanggang  3 tasang kape ay makakatulong para humaba ang buhay ng tao. Kapag kasi ganitong karaming kape lang ang iyong iinumin ay hindi manganganib ang iyong kalusugan at malalayo ka sa mga posibleng dahilan kaya humihinto ang tibok ng puso ng isang tao. Sa tamang-tamang caffeine na tinatanggap ng iyong katawan, hindi ka mamamatay sa heart and respiratory disease, stroke, injuries, accidents, diabetes at infection.
Kaya kung nais mo na magkaroon ng mahaba-habang buhay, ay ganitong karaming kape lang ang iyong iinumin. Sabi pa sa aking pagsasaliksik, kung hindi lalagpas sa tatlong tasang kape ang iniinom mo sa isang araw ay madadagdagan pa ng 10 hanggang 15 porsiyento ang iyong buhay.
Sabi nga sa pagsasaliksik kung ikaw ay iinom pa ng 4 hanggang limang tasang kape sa isang araw ay maaaring mabawasan ng ilang taon ang iyong buhay. At kung ikaw ay iinom lagpas sa anim na tasang kape, maaaring mapaaga ang iyong kamatayan.
Hey, hindi ko naman layunin na takutin ka pero kailangan mo malaman na malaki ang posibilidad na mangyari ito. Alam natin na kapag nasobrahan sa pag-=inom ng kape ang isang tao ay maaari siyang maging nerbiyoso. Kungganoon ay magiging magugulatin siya kaya maaaring  maging lapitin ka ng aksidente. O kaya naman ay bigla na lamang manikip ang iyong dibdib.
Gugustuhin mo ba na mangyari ito?
Huwag naman sana at tiyak ko na hindi mo rin gustong mamaalam ng maaga sa mundo, lalo pa at marami kang mahal sa buhay na maiiwan. Kaya, huwag maging matigas ang ulo mo. Lahat ng bagay sa mundong ito ay may hangganan kaya huwag mong hayaan na magkaproblema ka sa’yong kalusugan.






PITBULL, NAGDONATE NG DUGO SA BFF NA NAGKA-ANEMIA

SA pamamagitan ng blood transfusion ay magagawan nating mailigtas ang buhay ng ating kapwa. Ngunit, sa istorya natin ngayon ay mapagtatanto natin na maging ang aso pala ay magagawa ring iligtas ang buhay ng isa pang aso na nasa bingit ng panganib.
Bukod sa ating pamilya, ang tunay na kaibigan natin ay ang taong handang dumamay sa ating pagdurusa. Kung ikaw ay labis na nagdaramdam at namimighati, sila ang magiging takbuhan mo, anuman ang mangyari. Sa artikulo natin ngayon, nakamamangha na maging ang isang aso ay magagawang isalba ang buhay ng kanyang BFF na aso rin.
Sabihin man na wala namang magagawa ang aso kung ibig talaga ng tao na kuhanan siya ng dugo para isalin sa isa pang aso. Ngunit, kailangan mo ring tandaan na hindi lahat ng aso ay laging behave lalo na at masasaktan mo siya. Ngunit naging napakaamo ng isang pitbull terrier nu’ng kinukuhanan siya ng dugo para ibigay kay Sissy, ang 18 year old Mongrel, na na-diagnose na may anemia kaya kinakailangan niyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon.
Alam natin na kung ang mga pitbull ay mababagsik kaya naman masasabing ibig talagang iligtas ng pitbull na si Sandy si Sissy dahil naging napakaamo nito ng oras na iyon. Ni hindi nga raw ito nagpakita ng pangil o umangil para iparamdam na nasasaktan ito o kontra ito sa ginagawa ng beterinaro.
Ayon sa amo nina Sandy at Sissy na si Omar Mozzi, taga PagazzanoItaly, sina Sandy at Sissy ay matalik na magkaibigan. Lagi silang magkasama at magkalaro. Kaya naman noong magkaroon ng sakit si Sissy ay lagi ng matamlay si Sandy. Damang-dama niya na ang kanyang matalik na kaibigan ay naghihirap.
Nang suriin kasi si Sandy ay lumabas na mayroon itong anemia, maaari lang itong maisalba kung masasalinan ito ng dugo. Bagamat magkaiba ang lahi nina Sandy at Sissy ay magkatipo naman ang kanilang dugo kaya naman nagawang maisalba ang buhay ni Sandy pagkaraan.
Ang beterinaryo na si  Flavio Colombo Giardinelli ay labis na namangha sa pagkakaibigan na ipinakita ng dalawang aso.
Ikaw, ganito ba ang iyong mga alaga?






BINU-BULLY NOONG KABATAAN, MAY TENDENSIYA NA MAGING KRIMINAL

AYON sa pagsasaliksik, ang taong nag-aalala parati, madaling ma-depress at madalas magtangkang magpakamatay ay parating inaapi noong kabataan nila.
Hindi lahat ng bata ay behave, ito ang katotohanan na hindi maitatatwa kahit pa sabihing ang mga batang ito ay nagmula sa kilala at mayamang pamilya. Ilan kasi sa kanila ay pilyo at pilya. Sila ay iyong tinatawag na spoiled brat. Tila siyang-siya sila kapag sila ay nakakapang-asar .
Ikaw, mahilig ka bang manakit ng damdamin?
Kung ikaw ang tipo ay nakakaramdam ng kakaibang kasiyahan kapag nakikitang may lumuluha, kailangan mong basahin ang artikulo na ito. Baka sakaling makonsensiya ka  kapag nalaman mo ang nangyayari sa mga kabataan na madalas mong tudyuhin.

Ilang buwan na ang nakakalipas nang mabalitaan natin ang isang teenager na pinatay ang ina at nagawa pang pumunta sa eskuwelahan para patayin ang isang buong section ng kindergarten. Hindi rin niya pinatawad ang guro at principal.
Sa aking pagsasaliksik ay napagtanto ko na ang teenager na ito ay naging biktima rin ng pambu-bully sa kanya noong kanyang kabataan. Bagamat tinatanggap niya ang pang-aasar sa kanya ay hindi ibig sabihin ay okay lang iyon sa kanya. Sabi nga ay maaaring maging pilat ang pangyayaring iyon. Lilipas man ang mga taon ay hindi pa rin mabubura sa kanyang alaala ang mapait na nakaraan.
Ah, mistulan iyong multo na laging nakasunod sa kanya. Kaya naman sa oras ng kanyang pag-iisa ay maaaring manumbalik ang masasama niyang pinagdaanan. Ang mga nabiktima ng pambu-bully ay iyong mga taong laging inaalala nab aka mali ang kanyang desisyon, madaling ma-depress kapag sila ay nabibigo at laging naghahagilap ng mga pangkitil ng kabilang buhay.
Kung ang is among kapamilya ay ganito, kailangan lagi mo siyang gabayan at ipadama sa kanya na mahalaga siya sa’yong buhay. Kung hindi mo ito gagawin ay baka isang araw ay malaman mo na lamang na sira na ang kanyang buhay at marami na rin siyang buhay na nasira.
Sa naging pag-aaral nga sa US ay napagtanto na ang mga binu-bully ay nagkakaroon ng masama o matinding epekto sa kanilang pag-iisip. Bagamat mayroon nga autism ang teenager na kumitil ng maraming buhay, tiyak pa rin na isa sa dahilan kaya siya nagkaganoon ay dahil sa mapapait niyang karanasan noong kanyang kabataan. Maaaring inisip niya ng mga sandaling iyon na ang mga batang kanyang pinatay ay ang mga umaapi sa kanya noong bata pa lamang siya.
Kung ikaw ang tipo ng tao na mahilig mang-asar, makakaya mo bang tanggapin na ang batang inaasar o inaapi mo noon ay magiging ganito ang buhay? Magagawa mo bang matahimik kapag nalaman mong may mga inosenteng nadamay dahil sa’yong kagagawan.
Kay asana, bago ka manakit ng damdamin, ay mag-isip ka muna ng maraming beses. Dahil mahirap kalaban ang konsensiya. Baka dumating ang araw ay hindi ka niya patahimikin dahil sa mga kasamaang iyong nagawa.


Pag-i-FB, iwas pagkaulyanin

PAG-sign up sa Facebook ang makabagong paraan para hindi maging ulyanin, ayon sa pag-aaral.
Kung ibig mong magkaroon ng honor, kailangan mong mag-aral ng mabuti. Ang mga libro ay kailangang gamitin para magkaroon ka ng matalas na isipan. Kung pababayaan mo lamang na nakatambak sa isang sulok ang iyong mga libro, nakatitiyak ako na maluluma lamang ‘yan at pupurol ang iyong utak.
Hindi mo naman siguro nanaising mangyari iyon sa’yo, ano?
Kungganoon, kailangan mong laging ehersisyo ang iyong utak para hindi ka maakusahang bobo. Pero, kahit na ang mga matatalinong tao ay nagiging makakalimutin din kapag  sila ay tumanda na.
Ang lolo at lola natin ay kalimitan nating tinatawag na ulyanin dahil marami na siyang bagay na nakakalimutan. Kung minsan nga, pati ang ginagawa nila ng araw na iyon ay agad na nilang nakakalimutan. Kung alam natin na may pagkaulyanin na ang matatandang kasama natin ay nakararamdam tayo ng pangamba. Alam kasi nating na maaaring kapag iniwan natin ang tingin sa kanila ay maaaring mawala sila. Kung maiisipan kasi nila na maglakad nang maglakad ay may tendensiya na maligaw sila pagkaraan. Kapag inatake kasi sila ng pagiging ulyanin, hindi na nila matatandaan ang tamang daan pabalik.
Gusto mo ba itong mangyari sa’yong lolo at lola, nanay at tatay, o kung sinumang kasama mong matanda. Sigurado akong ‘hindi’ ang isasagot mo. Kung mahal mo kasi sila ay hindi mo nanaising sila ay mapahamak. Kaya naman kailangan mong gumawa ng paraan para hindi sila maging ulyanin.
Noon, sinasabi ng mga mananaliksik na ang paglalaro ng crossword, scrabble at video games ay nakatutulong para magkaroon ng matalas na isipan ang matatanda. Sa pamamagitan nito ay hindi na tayo mag-aalala pa.
Nguniot, sa makabagong panahon natin ay sinasabi na ang pagsa-sign up sa Facebook ay mabisa ring paraan para hind imaging ulyanin ang mga mahal natin.
Sabi nga ng mga scientist sa University of Arizona, ang mga nasa edad 65 pataas na gumagamit ng social networking site tulad ng FB ay mas okay ang memorya kaysa sa mga taong nagre-research lang sa Internet o hindi talaga gumagamit nito. Katunayan nga, ang matatas ang kanilang cognitive test. Kaya naman masasabing ang pagla-like, pagku-comment at pagsi-share nila ay nakatutulong upang maging okay ang kanilang memorya.
O, igawa mo na ng facebook account sina granny. Sa pamamagitan nito ay naa-update sila ng husto kung ano ang nangyayari sa kanilang paligid. Sa pamamagitan noon ay gumagana na ang kanilang utak. Sabi nga, kapag ang isang bagay ay nagagamit ng husto ay hindi ito kinakalawang. Tulad ng utak, kapag laging nag-iisip ay hindi makakalimot.
O, gawan mo na ng FB account sina lolo at lola.



LABIS NA PAG-INOM NG GATAS AT PAGKAIN NG MATATAMIS, NAKAKA-ACNE

AYON sa pag-aaral, ang labis na pag-inom ng gatas at matatamis ay nakaka-acne.
Yak, hindi natin mapigilan ang mapangiwi kapag nakikita natin na ang isang tao ay mayroong sandamakmak na pimples. Ibig kasing sabihin nito ay mayroon siyang acne kaya naman ang balat niya ay pulang-pula at may malalaking tagyawat. Pakiwari nga natin minsan ay isa siyang monster dahil sa tingin natin ay napakapangit niyang nilalang. Ang mga tao naman na mayroong acne ay tila hindi na makatingin ng tuwid sa mga tao dahil alam nila na marami ang nandidiri sa kanila. Pakiwari kasi nila ay mayroon silang sakit na nakakahawa.
Kung iyong pagmamasdan, ang kalimitang nagkakaroon ng acne ay ang mga teenagers. Kaya naman, nawawalan sila ng self-confidence. Sa kanilang hitsura kasi ay tila napakaimposible na magustuhan pa sila ng kanilang crush.

Pero, bakit nga ba may mga tao na tinutubuan ng ganitong sakit gayung ang mga magulang naman nila ay makikinis. Maging ang kanilang mga nakakatandang kapatid at mga pinsan ay okay naman ang hitsura.
Ayon sa pagsasaliksik, ang mga taong tinutubuan ng ganitong sakit ay iyong mahihilig na uminom ng gatas at kumain ng iba pang matatamis na pagkain.
Kapag nakikita natin na namamapak ng asukal at panay ang kain ng chocolate at cake ang isang  tao, ang agad nating sasabihin sa kanya ay maaari silang magkaroon ng diabetes. Wala sa hinagap natin na maaari rin palang maging dahilan ito para magkaroon sila ng acne.
Sa 50 taon na pag-aaral ay napagtanto na ang mga pagkain na may high glycaemic index ay maaaring maging dahilan para magka acne ang isang tao.
O, ayaw mo bang magkaroon ng acne?
Kung ayaw mo na magkaroon ng nakakarinding hitsura, kinakailangan mong bawasan ang pagkain ng matatamis. Kapag kasi an gating kutis ay nagkaroon ng maraming sebum ay maaaring ma-build up ang mga dead skin cells. Dahil doon ay  maaari iyong bumara sa ating balat. Kungganoon ay mata trap ang mga pawis sa ating pisngi na magiging dahilan upang mangati ang ating pisngi. At ang magiging resulta noon ay magkakaroon ng acne ang isang tao o sandamakmak na pimples.
Hindi natin gugustuhin na ang anak natin ay magkaroon ng ganitong problema sa balat. Sigurado kasing bababa ng husto ang kanilang self-confidence, magkakaroon pa sila ng depresyon kapag nakaranas sila ng insulto buhat sa ibang tao o sa mga nagugustuhan nila. Kungganoon, mawawalan sila ng tiwala sa kanilang sarili na magiging dahilan pa para sila ay mabigo.
Kaya, bilang magulang, kailangan mong awatin ang iyong anak sa labis na pag-inom ng gatas at pagkain ng matatamis dahil maaaring maglaho ang kanilang kaguwapuhan  o kagandahan.




LABIS NA PAG-INOM NG KAPE, BAD KAY BABY

AYON sa pag-aaral, ang mga nag-dadalang-tao na umiinom ng higit sa dalawang tasang kape kada araw ay nagkakaroon ng maliit na babae.
Coffee Break, kalimitang wika ng mga empleyado kapag tumunog  ang  company bell ng alas-diez ng umaga o alas-tres ng hapon. Gaano man sila ka-busy ay humihinto sila sa pagtatrabaho upang makapag-relax at para rin makahigop ng mainit na kape. Sa pamamagitan kasi nito, pakiramdam nila ay nagkakaroon sila ng lakas upang mas lalo silang ganahan sa pagtatrabaho. Ang pag-inom ng kape ay isa ring paraan para hindi ka antukin. Kung minsan kasi ay napakasarap matulog lalo na kung nakatapat pa sa’yo ang aircon. Mabuti na lamang at mayroon kang hinihigop na kape upang malabanan mo ang antok na iyong nararamdaman.
Kung mayroong mabuting dulot ang pagkakape sa ating katawan, mayroon din naman itong negatibong ibinibigay sa atin tulad na lang ng kapag madalas tayong uminom ng kape ay  madali tayong nerbiyusin. Kaya naman kapag nagiging magugulatin tayo, ang laging sinasabi sa atin ng mga nakakakita ay ‘Siguro madalas kang uminom ng kape.’
Kahit nga minsan ay pinipigilan na rin natin na madalas na uminom nito. Ngunit, kung nasanay ka na na magkape palagi parang nakakaramdam ka ng pangangasim kapag lumilipas ang maghapon na hindi ka umiinom nito.
Mahilig ka bang magkape?
Kung ikaw ay nagdadalang-tao, kailangan mong awatin ang sarili mo sa pag-inom ng kape lalo na kung ikaw ang tipo na lagpas sa dalawang tasang kape kung magtimpla sa isang araw. Maaapektuhan kasi ang iyong dinadala. Sabi nga sa pagsasaliksik, maaaring maging napakaliit ng sanggol na isisilang kung ang ina niya ay mahilig uminom ng kape. Bukod doon ay mahihirapan pa siyang manganak.
Ito ang obserbasyon ng mga mananaliksik sa Norway na nagbigay ng kanilang atensyon para pag-aralan ng husto ang 60,000 na buntis. Kailangan kasi nilang mapagtanto kung bakit may mga babae na nahihirapang manganak at nagkakaroon ng maliit na baby kahit ang mag-asawa naman ay matatangkad.
Sabi nga ng mga nagdadalang-tao na umiinom ng kape na mayroong 200 to 300mg ay maaaring magkaroon ng maliit na anak.
Sabi pa ng mananaliksik na si Dr Verena Sengpiel ng Sahlgrenska University Hospital sa Sweden, ang caffeine daw ay makakaapekto ng husto sa paglaki ng  fetus dahil hindi nila  agad nasasagap ang nutrisyon dahil sa mabagal na pagdaloy nito patungo sa placenta.  Dahil din daw sa labis na pag-inom ng kape ay maaaring tumagal pa ng ilang oras ang pagli-labor.
O, gugustuhin mo pa bang mangyari ito sa’yo?
Hindi bam as okay na huwag ka ng masyadong uminom ng kape kung ikaw ay nagdadalang-tao. Alalahanin mo, kung sosobrahan mo ang pag-inom ngayon, hindi lang ikaw ang mahihirapan, maging ang iyong anak. Alalahanin mo, maraming maaaring mangyari sa’yong magiging sanggol kapag matagal siyang mailuwal.

Kaya, maigi pang, awatin mo ang iyong sarili sa labis na pag-inom ng kape kung ikaw ay nagdadalang-tao.



PAG-INOM NG Vitamin C, mas epektib kapag sinabayan ng ehersisyo

AYON sa pagsasaliksikng Finnish researchers, ang pag-inom ng Vitamin C ay nagiging epektibo lang sa isang tao kung sasamahan niya ito ng pag-eehersisyo.
Alam na alam natin na ang Vitamin C ay nakakatulong sa ating upang magkaroon tayo ng malakas na pangangatawan. Sabi nga, sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkakasakit. Kailangan nating  hindi sipunin dahil kapag inatake tayo ng sipon, siguradong magiging masama na an gating pakiramdam.
Ikaw, lagi ka bang umiinom ng orange juice? Nagti-take ka ban g multi-vitamins? Feeling mo ba ay malakas na ang iyong pakiramdam?
Kung inaakala mo na okay na okay ka na dahil sa lagi kang umiinom ng orange juice at vitamins, ay magkakaroon ka na ng okay na pakiramdam parati, nagkakamali ka. Sa aking pagsasaliksik kasi ay napagtanto ko na epektibo lang pala sa tao ang paginom o pagkain ng pagkain na may vitamin C kapag siya ay nag-eehersisyo.
Ikaw, mahilig ka bang kumain ng mga pagkain na masagana sa vitamin C at parati ka bang nagbi-Vitamis. Kungganoon ay masasabi mo nga kung epektibo sa’yo ang pag-inom nito. Ngunit, kung sa tingin mo ay hindi ka nakakapag-ehersisyo, kahit ano pa ang kain mo ng mga pagkaing may Vitamin C ay hindi nagiging malakas ang iyong pangangatawan. Feeling mo nga  kung minsan ay hinang hina ka.
Ang dahilan ay hindi napapagpag ng husto ang iyong katawan. Ang mga cholesterol ay nakaimbak lamang sa’yong katawan. Kaya naman sa pag-aaral ay napagtanto na mas masigla ang katawan ng mga bata kaysa sa mga matatanda na nagti-take ng vitamin C.
Kung ang matanda kasi ay sobrng busy sa kanyang trabaho ay hindi na siya nagkakaroon ng panahon para mag-ehersisyo. Samantalang ang bata naman ay parating nag-eehersisyo dahil gusto nilang laging kumilos. Mahilig silang maglaro at sumali sa kung anu-anong aktibidad.
O, parati ka bang kumakain ng mga may vitamin C at umiinom ng multi-vitamins. Sana ay sabayan mo na rin ng ehersisyo para talagang maging okay ang iyong pakiramdam.


Dahil sa mga diktador na magulang… MGA ANAK NADI-DEPRESS KAPAG NABIBIGO

PARATING nag-aalala ang batang dinidiktahan ng kanyang mga magulang at sila rin  ay madalas na ma-depress kapag sila ay nabibigo, ayon sa pagsasaliksik.
Mother’s knows best, ito ang madalas sabihin ng mga ina kapag sinasabihan nila ang kanilang mga anak kung ano ang dapat nilang gawin.  Dahil sa rami ng kanilang karanasan, alam na nila kung ano ang dapat gawin ng kanilang anak para hindi na maulit pa ang kanilang pagkakamali.
Ang mababait na anak ay karaniwang sumusunod sa bawat sabihin ng kanyang mga magulang. Ang mga magulang naman ay tuwang-tuwa kapag ang tanging sinasabi ng kanilang anak ay ‘yes, mommy’ at ‘yes,daddy’.
Ikaw, ganoon ka ba sa’yong anak?
Nakatutuwa talaga na sinusunod ng iyong anak ang bawat sabihin mo ngunit hindi ibig sabihin noon ay makabubuti sa kanya. May masamang epekto kasi sa bata kapag ang magulang ay nagiging diktador.
Kapag daw kasi ang bata ay masyadong nadiktahan ng kanilang mga magulang ay nawawalan na sila ng tiwala sa kanilang sarili. Iniisip kasi nila na hindi nila makakayang solusyunan ang problema kapag wala ang kanilang mga magulang. Kung sakaling nagdesisyon sila sa kanilang sarili na hindi kumokunsulta sa kanyang mga magulang at nabigo siya, siguradong daramdamin niya iyon. Ang agad kasi niyang isiisipin ay wala siyang kuwenta.
Kaya naman, makabubuting huwag nating diktahan ang ating mga anak. Hayaan natin sila na magdesisyon para sa kanilang sarili. Makabubuting magbigay ka na lang ng opinion kung ano ang maaaring mangyari kapag ganoon ang kanyang ginawa.
Kaya naman nang magsaliksik ang mga mananaliksik sa University of Mary Washington  sa US ay kumuha sila ng 297 na estudyante na nasa pagtan ng  18 hanggang 23. Doon ay mapagtatanto  kung sino nga ba ang mga kabataan na kinukontrol ng magulang at iyong hinahayaan nilang magdesisyon para sa kanilang sarili.
At sa pagsasaliksik na iyon ay napagtanto na ang mga estudyanteng kinokontrol ng kanilang mga magulang ay iyong mga  laging nag-aalala kapag may kailangan nilang magdesisyon on the spot at iyong labis na nagdaramdam kapag sila ay nabibigo.
O, ibig mo bang magkaroon ng magandang buhay ang iyong anak?
Kung nais mo, kailangan ay hayaan mo siyang magdesisyon para sa kanyang sarili.



2 taong gulang, may arthritis

ARTHRITIS ang kalimitang sakit ng matatanda. Dahil namamaga ang kanilang joint ay kalimitan iyong naninigas lalo na’t nalamigan. At sobrang sakit iyon kaya hindi nila maiwasan ang mapasigaw. Tila hindi bumubuti ang kanilang pakiramdam hangga’t hindi sila nakakainom ng gamot.

Kung inaakala mo naman na matatanda lang ang maaaring magkaroon ng arthritis, nagkakamali ka dahil ang batang bida sa artikulo natin ngayon ay mayroon na ring arthritis.
Isang taon at anim na buwang gulang pa lamang si Marshall Huburn, taga-Birmingham, nang mapagtanto ng kanyang pamilya na mayroon siyang polyarticular juvenile idiopathic arthritis. Tinatamaan ng artrithis ang kanyang panga, balakang, tuhod, binti, siko, paa, talampakan, at mga daliri. Kaya naman every 3 months ay kinakailangan niyang magpunta sa Birmingham Children’s Hospital kasama ng kanyang ina na si Hayley, 23, upang masolusyunan pa ang kanyang karamdaman. 
Kaya naman kahit 2 taong gulang pa lang siya ay hindi niya makuhang mag-enjoy sa paglalaro tulad ng kanyang mga kaedad. Kung mapapagod kasi siya ng husto ay siguradong aataki na naman ang kanyang sakit.
Sabi ni  Frank, ama ni Marshall. “Pina-check up ko si Marshall noon dahil napapansin kong hindi normal ang kanyang paglakad at lagi siyang bumabagsak. Nakikita ko rin ang sakit sa kanyang mukha kaya naisipan naming ipasuri siya agad. Nakakabigla nga lang malaman na mayroon pala siyang arthritis.”
Para naman maging normal si Marshall tulad ng ibang bata ay kinakailangan niyang sumailalim sa mga chemotheraphy. Sa pamamagitan nito ay maaari siyang makaramdam ng kaginhawahan subalit hindi na maaalis pa an gang sakit na iyon. Kaya naman sa tuwing susumpong ang sakit ni Marshall ay nakaririndi ang kanyang pag-iyak. Pakiwari tulong ng kanyang mga magulang ay nilalamutak ang kanilang puso sa labis na pagkaawa sa kanilang anak. May pangamba ring nadarama ang mag-asawang Frank at Hayley dahil maaaring mamana ng  iba pa nilang anak ang sakit na iyon ni Marshall. Sa kasalukuyan nga ay ipinagbubuntis pa ni Hayley ang ikalima niyang anak.
Kung ang ibang bata ay malulungkutin kapag may sakit na nararamdaman, si Marshall naman ay kakaiba. Kahit na parati siyang inaataki ng sakit ay masayahin pa rin siya at tila laging malusog. Kaya naman, marami ang natutuwa at humahanga sa kanya.













Babala sa mga mahilig magpapak, Pagkaing piniprito, nakaka-stroke!

DAHIL nga sa ibig ng ilan na makapag-diyeta, kakaunti na lamang ang kanilang kinakain. Magiging matagumpay ang kanilang pagdidiyeta kung ang pagkain nila ng prutas, gulay at kaunting karne ay sasabayan pa nila ng pag-eehersisyo. At kapag kanila nga iyong napanindigan, siguradong sa paglipas ng ilang linggo ay magkakaroon na sila ng kaakit-akit na katawan.
O, ikaw nagdidiyeta ka ba?
Bagamat marami ang nag-aambisyong  magkaroon ng 26-36-26 na vital statistic, may kanya-kanya naman silang paraan para pumayat. Ikaw, nag-eehersisyo ka ba? O mas pinipili mong kumain ng masusustansiya at sinasabayan ng ehersisyon? O, baka ikaw naman ang tipo na walang oras sa pag-eehersisyo pero kaunti lang ang kinakain.
Well, okay naman iyon, pero, ano ba ang iyong kinakain? Kung ang pinipili mong kainin ay iyong mga piniprito lang tulad ng fishball, fried chicken, lumpiya at kung anu-ano pang pinipritong pagkain, kailangan mong basahin ang artikulo na ito.

Sa pagsasaliksik kasi ay napagtantong ang mga taong mahilig kumain ng pinirito ay malaki ang tendensiya na magkakaroon siya ng stroke pagdating ng araw. Sabi nga ni Suzanne Judd ng University of Alabama sa Birmingham, ang mga taong malimit ma-stroke ay iyong mahilig sa French fries, hamburgers, hotdog at kung anu-ano pang mga pagkain na ibinababad sa mantika.

Ang mga piniprito kasing pagkain ay maraming asin kaya naman siguradong tataas ang iyong presyon kapag hindi ka maawat sa pagkain nito.
Ano ba ang pakiramdam mo kapag panay ang kain mo ng mga pinirito? Hindi ba kalimitan ay nakakaramdam ka ng pananakit ng ulo, lalo na  kung ang nilalantakan mo ay fried chicken, porkshop at lechong kawali. 
O, mahilig ka ba sa pinirito?
Okay lamang na kumain ka nito pero, kailangan naman na sabayan mo ng kanin. Kung pinirito  lang kasi ang kakainin mo ay m,ay tendensiya na mapaparami ang kain mo nito. Hindi iyon makabubuti sa’yong katawan.
Kung plano mo naman talagang pagpapayat, makabubuting ang wastong pagkain para sa mga nagdidiyeta ang itong kakainin. Kung kakain ka rin kasi ng mamantika, siguradong walang kuwenta ang iyong pagpapayat. Kahit pumayat ka, siguradong sa pagtanda mo ay ikaw din ang magdurusa dahil may posibilidad na ma-stroke ka.


My Hot Billionaire Husband teaser

Handa sanang ipaglaban ni Yvette ang boyfriend niyang si Henry kahit gusto siyang ipakasal ng ama kay William Arguelles pero nahuli niya ito...